Kabayan International Store 【sakae】
Ang Kabayan International Store ay may dalawang branch sa Nagoya. Isa dito ang Sakae branch na matatagpuan sa Naka-ku Sakae 5-11-15 (former NEW century).
SERVICES
Ang store ay maraming services na maaaring i-offer sa inyo katulad ng mga sumusunod:
※ Kung gagamitin ninyo ang kanilang remittance service na LBC ay maaari nila kayong matulungan sa inyong pag-aayos ng tax refund.
i-Click ito kung interisado sa pagpapadala: LBC Kabayan
※ Maari kayong mag-order at magpadeliver ng pagkain / lutong ulam sa inyong bahay (around the area).
FOOD CORNER
Syempre, hindi mawawala sa menu ang paborito ng mga pinoy; ang “~SILOG”.. Mayroon din silang lechon , BBQ, inihaw na paa, hotdog, atbp.
Kasabay ng inyong pamimili ng groceries ay makakabili din kayo ng lutong-ulam. Available din for delivery kung malapit ka lang sa area, gamit ang bisekleta. At isa din sa pinaka-masarap sa kanilang menu ang Chicken Inasal! Sobrang recommended to!
DINING AREA
Maluwang ang kanilang dining area at mageenjoy ka talaga kumain!
GROCERIES
Iba’t ibang klase ng produkto ang mayroon dito.. Kumpleto na ang hanap mo! Mula sa meryenda hanggang sa sangkap para sa iyong lutuin !!!
Yes!! Nandito na ang paborito nyong desserts at ang mga paborito nating pagkain lalo na sa agahan!
Karne, buto-buto ng baboy na murang mabibili kaysa sa supermarket. Pati narin ang mga cosmetics!
Pumunta na sa Kabayan International Store upang masubukan ang kanilang services! Bukod sa produkto, mababait at accomodating ang kanilang mga staff!
STORE LOCATION
KABAYAN INTERNATIONAL STORE SAKAE
Araw-araw 6PM – 4AM (Maliban sa Martes)
052-262-3522
facebook.com/lbckabayan.nagoya
〒460-0008 Aichi Prefecture, Nagoya City, Naka Ward, Sakae 5-11-15
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.