The Amigos Toyokawa Branch, ang kilalang Brazil & Asian products store sa Toyokawa City!
Ang The Amigos ay isa sa mga kilalang Brazilian products supplier dito sa Japan. Marami silang binibentang produkto at pagkain na galing pang Brazil, at hindi lamang produkto, maging mga karne, na kung saan sila patuloy na nakikilala.
Mayroong silang 7 branches sa buong bansa. Meron sa Odaka City, Ogaki City, Toyokawa City, Iwaya City, Hamamatsu City, Kosai City, at Nishio City. Mahigit 20 taon ng nagbibigay ng serbisyo ang The Amigos bilang isa sa mga kilalang meat supplier ng bansa. Maraming Hapon at Brazilian ang tumatangkilik sa kanilang mga produkto at patuloy itong nakikilala, maging ang mga Pilipino at iba pang lahi ay pumupunta narin sa lugar upang mamili at kumain ng kanilang mga karne.
Ang main service nila ay ang pagbebenta ng produkto sa kanilang local store, nagpapatakbo din sila ng online shop ng mga Philippine at Brazil products na kanilang ibinibenta.
AMAZING SELECTIONS OF BRAZIL PRODUCTS
Kung ang hanap mo ay mga Brazil at Philippine products sa Toyokawa, halina at bumisita sa The Amigos Toyokawa Branch. Marami silang seleksyon ng mga Brazil imported products na laging avaialable para sa lahat. Kilala na ang Tokokawa branch ng mga tao sa lugar at karaniwan nila itong binibisita hindi lang sa mga produktong Brazil, maging sa kanilang masasarap na karne!
May mga sangkap sa pagluluto, tsokolate, tsitsirya, inumin, maging mga palaman sa tinapay gaya ng keso at sausage. Meron din silang desserts korner para sa mga gusto ng Brazilian desserts!
Mayroon din silang seksyon ng customized mugs at phone covers at maraming pagpipilian na disenyo!
ASIAN FOODS CORNER
Bukod sa kanilang mga Brazil products, mayroon din seksyon ng Asia products gaya ng mga produkto na galing Vietnam, Indonesia, Korean, at syempre Philippine products!
May pancit canton, mga tsitsiryang Pinoy, mga sangkap sa pagluluto gaya ng magic sarap, toyo, suka, at iba pang mga produktong Pinoy na laging tinatangkilik. Tara at bisitahin natin ang The Amigos Toyokawa branch!
FROZEN PRODUCTS
Malaki at maluwag ang kanilang frozen products section nila. Mayron silang iba’t-ibang parte ng karne na hindi karaniwang nabibili sa supermarket gaya ng buntot ng baboy, mga buto at laman na nasa ibang bahagi ng parte ng baboy at baka.
ONLINE SHOP
Bukod sa kanilang physical store, meron din silang Online shopping website na tinatawag nilang “The Amigos Mercado Online” kung saan makakapag-grocery ka ng kanilang mga produkto gamit lang ang iyong phone. Marami ring umoorder sa kanila online dahil bukod sa mas safe umorder, hindi mo na kailangan pang lumabas para bumili dahil idedeliver naman nila ang produktong binili mo diretso sa iyong bahay.
Meron din silang mga napapanahon na SALE kayat’ mabuting tignan from time-to-time ang kanilang online store. Iclick lang ang link na ito para makita ang kanilang mga produkto: LINK
ASIAN FOODS ONLINE GROCERY STORE
Meron din silang Philippine products online grocery store. Ito ay tinatawag na ASIAN FOODS na kung saan, mga produktong Pinoy naman ang inihahandog sating mga kababayan. Malaki narin at kilala ang Asian Foods dahil sa mga binibenta nilang parte ng karne na ginagamit sa ilang lutong pinoy.
Marami silang binibentang Pinoy products dito na meron din sa kanilang lokal na tindahan. Ang maganda dito, meron din silang inooffer na COD o ung Cash on Delivery service. Kaya’t makakasigurado ka na ligtas at kumpleto ang iyong mga bilihin.
Ligtas ka na sa panganib ng pandemya, sigurado ka pa na tama ang iyong mga inorder. Maaring makita ang kanilang website sa pag-click ng link na ito: LINK
MEAT. MEAT. MEAT
Siyempre, hindi mawawala sa The Amigos ang kanilang meat corner. Marami palagi silang ibinibentang iba’t-ibang uri ng karne. Fresh nila itong hinihiwa sa kanilang production room at talaga namang may quality ang mga karne at garantisadong masarap!
Meron din silang mga orihinal na marinade. Magkakaiba ng special marinade ang bawat branch at nag-iiba-iba rin ang mga handa nila. Maging ang mga ready-to-take-out foods nila ay paiba-iba rin kaya’t maraming mga Brazil national ang pumupunta sa lugar upang bumili.
Sabi sa amin ng isang staff na ang kanilang inihaw na manok ang isa sa palaging binibili ng mga Pinoy customers nila~
BAKERY
Ang The Amigos Toyokawa branch ay mayroon ding pwesto ng panaderya. Meron silang cheese bread na tinatawag nilang “pão de queijo” o pan de keso, meron din namang silang tinapay na bagay na bagay lagyan ng palaman na tinatawg nilang “pão francês”, masarap ito at malambot at isa pa, mura pa kaya’t maraming bumibili!
Mayron din silang binibentang mga sausages at iba’t-ibang palaman na babagay sa tinapay!
MONEY REMITTANCE SERVICE
Ang The Amigos Toyokawa Branch ay isa sa mga authorized partner ng Western Union money remittance. Maraming Pinoy ang bumibisita sa lugar upang magpadala ng pera sa kanilang mga minamahal sa Pilipinas, maging ang ibang lahi gaya ng Peru ay pumupunta din upang magpadala.
Mabait ang kanilang mga staff na laging handang tumulong sa inyong mga kailangan. Bukas ang Western Union nila tuwing MON-SAT 10:00 ~ 13:00 at 15:00~18:50 | SUNDAY 10:00~13:00
AMBIENCE
Malaki at maluwag ang space ng The Amigos Toyokawa branch. Mahaba ang seksyon nito sa mga karne at frozen products dahil ito talaga ang isa sa mga binabalik-balikan ng marami. May katabi itong Brazil restaurant kaya’t dinadayo ito matapos kumain.
STORE LOCATION / HOW TO VISIT THE AMIGOS NISHIO BRANCH
Ang The Amigos Toyokawa branch ay malapit lang sa train station. Mula Yawata station ay nasa 3 minuto lang ang layo kung magpupunta gamit ang sasakyan. Kung maglalakad naman ay nasa halos 10 minuto. Halos isang diretso lang ang daan kaya’t madali lang itong matunton.
THE AMIGOS TOYOKAWA BRANCH ADDRESS
THE AMIGOS TOYOKAWA BRANCH 異国精肉店
MON-FRI 10:00 AM – 9:00 PM | SAT-SUN 9:30 AM – 9:00 PM
TEL: 090-8542-6114
〒442-0842 Aichi Prefecture, Toyokawa City, Zoshi 6 Chome-12-11
The Amigos Facebook Page: LINK | AsianFoods Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.