Mabini Philippine Store Kasugai City
Alam nyo ba na mayron nang bago at magandang Philippine store sa Kasugai City? Ito ay ang Mabini Philippine Store! Nagsimula ito noong Setyembre 2021, at mula sa Philippine products, ay mayroon narin itong Karinderiya! Halika at tignan natin ang kanilang tindahan at alamin ang kanilang mga inooffer na serbisyo!
MABINI PHILIPPINE STORE (マビニフィリピンストアー)
Maraming tabi-tabing Pinoy products ang Mabini Philippine Store. Maraming kababayan natin ang pumunta sa lugar upang bumili ng mga produktong Pinoy nang pumunta kami upang bumisita. Halos narito na ang lahat ng hinahanap mo sa isang lokal na tindahan.
Tsitsiryang Pinoy gaya ng mani, chicharon, mayron ding mga junk foods. Maging mga sangkap sa pagluluto gaya ng Magi liquid seasoning, toyo, suka, mga spices, at iba pa. Meron din silang mga sangkap pang desserts gaya fruit salad, cream at marami pang iba!
FROZEN PRODUCTS
Mayron ding mga frozen products ang Mabini! Nariyan ang frozen bangus, mga frozen meat, meron din silang mga pandesal, ice cream, at iba pang mga meriendang Pinoy na karaniwang hinahanap ng marami!
BEAUTY PRODUCTS & CLOTHING PRODUCTS
Bukod sa kanilang food products corner, ay meron din silang mga beauty products, t-shirts at sapatos na ibinibenta. Marami silang available na beauty products gaya ng whitening soap, shampoos, cleansing kits, at iba pang ginagamit sa pagpapaganda. Meron din silang corner ng t-shirts ng sikat na shirt brand sa Pilipinas, at meron din silang binibentang underwear na Philippine brand.
MABINI KARINDERIA
May karinderiya din sa Mabini Philippine Store! Masarap magluto ang chef nila at dumarami na ang nagiging available foods sa kanilang menu! Sulit ang pagkain at marami ka nang mapagpipilian! Nasa mahigit 7 katao ang maaaring kumain ng sabay-sabay sa lugar.
Sinasabi na ang best seller nila ay ang kanilang Halo-halo, Palabok, at Dinuguan!
READY TO TAKE-OUT MEALS
May mga ready to take-out meals at merienda na dito sa Mabini Philippine Store! Meron silang sisig, palabok, pusit, at iba pang mga ulam! Pinopost nila ang mga ready to take out meals nila sa kanilang facebook page. Pwede nyo silang ifollow upang maging updated sa kanilang mga today’s menu!
DELIVERY SERVICES
Mayroong delivery services ang Mabini Philippine Store, FREE ang delivery nila kung ang order ay sa Kasugai City at nasa mahigit ¥3,000 ang inyong orders.
BALIKBAYAN BOX
Ang Mabini Philippine Store ay isang partner ng Queen D Balikbayan Box services! Nasa 3-4 linggo ang kanilang delivery time upang maipadala sa inyong mahal sa buhay ang inyong balikbayan boxes! Tignan lamang sa baba ang presyo ng padala sa kada lugar sa Pilipinas.
MANILA | ¥10,150 | BAGUIO | ¥12,150 | |
BULACAN | ¥11,650 | PANGASINAN | ¥12,150 | |
LAGUNA | ¥11,650 | LA UNION | ¥12,150 | |
PAMPANGA | ¥11,650 | BATANGAS | ||
DAVAO | ¥13,150 | INTER ISLAND | + ¥1,000 | |
BOHOL | ¥13,150 | MINDORO | + ¥1,000 | |
LEYTE | ¥13,150 | PALAWAN | + ¥1,000 | |
MINDANAO | ¥13,650 | MARINDUQUE | + ¥1,000 |
MABINI PHILIPPINE STORE AMBIENCE
Maganda ang lugar at malinis. Marami itong linya-linyang Philippine products at mabait ang kanilang staff. Unti-unti nang nakikilala ang Mabini Philippine Store at dumarami na ang mga dumadaan dito upang bumili ng kanilang namimiss na Pinoy products.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT MABINI PHILIPPINE STORE
Dalawang paraan ang nakita naming pagpunta sa Mabini Philippine store, ① Mula Kasugai Station ay nasa 17 minutes na lakad ang layo ng tindahan. ② Maari ding bumaba sa Kachigawa Station at sumakay sa Bus Terminal No. 1 at bumaba sa Toriimatsu Bus Stop. Nasa ¥210 ang bus fare. Mula sa Toriimatsu Bus stop ay maglalakad nalang ng mahigit 2 minuto upang makapunta sa tindahan.
MABINI PHILIPPINE STORE ADDRESS
Mabini Philippine Store Aichi, Kasugai City
BUSINESS HOURS: MON ~ SUN 10AM – 9PM
CLOSED EITHER TUESDAYS OR WEDNESDAYS
TEL: 0568-37-2081
〒486-0837 Aichi Prefecture, Kasugai City, Harumi-cho 52-9 City Itou Building 1-B
Mabini Philippine Store Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.