Fud Trip 302 Asian Resto & Izakaya at Aichi, Kasugai City! Kilalang Izakaya sa Kasugai!
THIS STORE HAS PERMANENTLY CLOSED
Ang Fud Trip 302 Asian Resto & Izakaya sa Aichi Prefecture, Kasugai City ay isa sa mga kilalang Philippine Izakaya / Restaurant sa Kasugai City. Marami nang suki ang izakaya na ito at patuloy parin itong nakilala ng nakararami. Maging mga taga ibang syudad ay dumadayo upang kumain dito. Halina at alamin pa ang tungkol sa kanilang kainan!
FUD TRIP 302 IZAKAYA フード トリップ居酒屋春日井市
Mahigit 4 na taon na nang magsimula ang Fud Trip 302 Izakaya sa Kasugai City. Izakaya (alcohol pub sa ingles) ito kaya’t karaniwang bukas lamang ito tuwing gabi, ngunit maraming customer ang dumadayo araw-araw sa lugar. Layunin ng Fud Trip 302 na patuloy na mag-serve ng mga masasarap na Pinoy dishes at Japanese dishes sa kanilang mga customer at specialty nila ang mga pulutan na bagay na bagay sa mga inuman!
Nariyan ang sisig, mga barbecue, ihaw-ihaw, mga lechon at iba pang turo-turo na kinakain sa atin sa Pilipinas.
Mayron din silang mga pang-ulam gaya ng Adobo, Bulalo, Mami, Palabok at iba pang masasarap na pagkaing Pinoy!
Siyempre dahil marami ang kanilang Japanese customers, meron din silang mga handang pagkaing Hapon gaya ng sashimi, at motsunabe na patok na patok tuwing tag-lamig.
Sa harap ng counter ay nakadisplay ang ibang mga available na turo-turo gaya ng barbecue, kushikatsu, squidballs and iba pa!
TABEHOUDAI (EAT-ALL-YOU-CAN)
Isa sa inaabangan sa Fud Trip 302 ang kanilang Tabehoudai day! (eat-all-you-can) Tuwing ika-huling Sunday ng bawat buwan, sa presyong ¥1,400 (good for 90mins) ay maaari ka nang mag-enjoy sa mahigit 10 potahe na eat-all-you-can! Pinipilahan ito at talaga namang inaabangan ng mga suki! Halina at subukan na ang mga pagkaing Pinoy sa Fud Trip 302!
Karaniwang handa sa Tabehoudai event nila ay ang kaldereta, kare-kare, menudo, at palaging nasa mahigit 10 potahe ang handa! May kasama pa itong dessert kaya’t sulit talaga dito!
DELIVERY SERVICES
Tumatanggap din ang Fud Trip 302 ng delivery services! FREE na ang iyong delivery fee kung nasa ¥3,000~ pataas ang iyong order at nasa Kasugai City area ka. Para sa ibang lugar, maaring kumonsulta muna sa kanilang SNS account tungkol sa delivery charges.
Paminsan ay nagiihaw din sila ng mga lechon, pork belly na talaga namang inaabangan ng mga customer!
PALUTO AND CATERING
Mayron ding mga paluto service at catering service ang Fud Trip 302! Nasa ¥6,000 ~ ang kanilang normal M size na order, maaari kang kumonsulta kung anong gusto mong ipaluto.
Tumatanggap din sila ng mga catering para sa mga selebrasyon gaya ng birthday party, kasal at iba pa! Meron din silang boodle fight na handaan na talaga namang kakaiba sa mga hapon at talagang eenjoyin mo kainin!
EVENT RENTALS
Bukod sa kanilang masasarap na handa ay tumatanggap din sila ng event space rental (12pm – 5pm) para sa mga taong gustong magsagawa ng event sa kanilang lugar gaya ng thanksgiving events, company anniversary events, at marami pang iba!
FUD TRIP 302 IZAKAYA AMBIENCE
Maganda at malinis ang Fud Trip 302 sa Kasugai City. Izakaya ito kaya’t bukas ito tuwing gabi, pero lagi itong pinupuntahan ng mga suking Japanese at Pinoy customers. Meron din silang Karaoke na nasa ¥200 per song! Mababait ang mga staff at makakasigurado kang bagong luto ang mga pagkain!
Nasa mahigit 30 katao ang maaaring mag-dine-in sa lugar. 10 tao sa counter at 20 katao sa table area.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT FUD TRIP 302 IZAKAYA
Accessible ang Fud Trip 302 Izakaya dahil malapit lang ito sa Ajiyoshi Station. Nasa 5 minuto lang na paglalakad ng diretso mula Ajiyoshi Station. Meron din silang parking space na nasa 5 sasakyan. Nasa tapat lang ng Fud Trip 302 ang parkingan at pwede mong tignan ang litrato sa baba para makita kung saan.
May ilaw sa baba ng mga parking spaces ng Fud Trip 302 para madaling malaman na kanila ang parkingan.
FUD TRIP 302 IZAKAYA ADDRESS
FUD TRIP 302 IZAKAYA Aichi, Kasugai City
BUSINESS HOURS: MON ~ SAT 5PM – 12AM
CLOSED EVERY WEDNESDAYS & SUNDAYS (except for Tabehoudai day)
TEL: 080-2650-7697
〒486-0969 Aichi Prefecture, Kasugai City, Ajiyoshihakusancho, 1-chome-5-11
FUD TRIP 302 IZAKAYA Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.