Ruru’s Asian Store, Nishio City’s one-stop Philippine store!
Alam nyo ba na may bago at magandang Philippine store sa Nishio City? Ito ay ang Ruru’s Asian Store! Nagsimula ang Ruru’s Asian Store noong Mayo 2021, at hanggang ngayon ay patuloy parin sila sa paghahandog ng iba’t-ibang Pinoy products maging mga international products!
Marami pang plano ang tindahan at mukhang kaabang-abang ang mga kanilang tinitinda at ititinda. Tara at alamin ang kanilang mga serbisyo!
RURU’S ASIAN STORE (ルルス・アジアン・ストアー)
Marami at siksik sa produkto ang Ruru’s Asian Store sa Nishio City. One-stop-shop talaga ito para sa ating mga kabayan lalo na kung nag-ccrave ka ng produktong Pinoy. Merong mga sangkap sa pagluluto gaya ng Toyo, Patis, Suka, mga pangsahog, mga tsitsiryang karaniwang binibili at marami pang iba.
Maging mga skin care products gaya ng mga lotion, sabon, shampoo, conditioner, at iba pa!
Meron din silang mga tindang mga fresh na gulay gaya ng malunggay, sitaw at kangkong na hindi mo karaniwang mabibili sa normal na supermarket dito sa Japan. Maging prutas gaya ng mangosteen at bayabas!
IHAW-IHAW
Maraming iba’t-ibang ihaw-ihaw na maaaring bilin sa Ruru’s Asian Store. Nanjan na ang ating paboritong barbecue, maging inihaw na purfoods hotdog, mga baboy at iba pang parte ng baboy.
FROZEN PRODUCTS
Marami ring mga frozen products ang Ruru’s. Meron silang mga ice cream at iba pang mga desserts na Pinoy, meron din namang mga hotdogs, mga isda.
Maging mga iba’t-bang parte ng karne gaya ng Tuwalya, mga liempo, pata at iba pang bagay na bagay sa mga ihaw-ihaw.
DELIVERY SERVICE
Mayroong Delivery service ang Ruru’s Asian Store! FREE ang delivery free sa central Nishio area para sa mga orders 3,000 yen pataas.
Maaring kumonsulta sa kanilang official SNS accounts tungkol sa delivery fee.
RURU’S KITCHEN
Ang Ruru’s Asian Store ay may tinatawag ding Ruru’s Kitchen. Iba’t-ibang mga masasarap na pagkaing Pinoy ang kanilang inihahanda~ Nariyan ang palabok, mga brownies, turon, kwek-kwek at iba pang mga pagkaing nakakatakam!
Meron din silang mga tinapay na ibinibenta gaya ng spanish bread, mga pandesal at iba pa! Tara na at subukang bumisita sa Ruru’s Asian store!
MONEY REMITTANCE SERVICE
Ang Ruru’s Asian store ay isang authorized parter ng Forex Japan para sa kanilang money remittance services. Mababait ang kanilang mga staff at tutulungan ka sa proseso upang makapagpadala ng pera sa iyong mga minamahal sa Pilipinas.
Madalas ang pagpost nila sa kanilang Facebook page ng daily rates ng palitan kaya’t makakasigurado kang updated ka bago ka magpadala. Maaring kumonsulta sa kanila para sa iba pang mga katanungan.
BALIKBAYAN SERVICE
Bukod sa kanilang money remittance service, meron din ang Ruru’s ng balikbayan box service! Nasa 1,500 yen ang box deposit at maaaring magtanong sa kanila kung magkano ang delivery charge papadalang Pilipinas! Nasa 3-4 linggo ang pag-aantay at maaari ka nang makapagpadala ng marami sa iyong mga minamahal sa Pinas!
RURU’S ASIAN STORE AMBIENCE
Maganda ang loob ng tindahan at makikita mo kagad pagkapasok ang siksik sa dami ng Pinoy products na maaari mong mabili. Maganda ang vibes sa lugar dahil Pinoy store talaga ang pakiramdam sa lugar na welcome ang feeling.
PARKING SPACE
Maluwag ang parking space na pwede sa Ruru’s Asian Store. Nasa mahigit 30 na sasakyan ang maaaring mag-park at pumunta dito kaya’t siguradong mayroon kang mapaparkingan bago ka mag-enjoy mamili ng mga produktong Pinoy~
STORE LOCATION / HOW TO VISIT RURU’S ASIAN STORE
Accessible ang Ruru’s Asian Store dahil malapit lang ito sa Nishio Station. Nasa 9-10 minuto lang na paglalakad mula sa Nishio Station at makakarating ka na sa lugar!
RURU’S ASIAN STORE ADDRESS
RURU’S ASIAN STORE Aichi, Nishio City
BUSINESS HOURS: TUE~THU 14:00-21:00 | FRI-SUN 14:00-22:00
CLOSED DURING MONDAYS
TEL: 080-7551-1056
〒445-0872 Aichi Prefecture, Nishio City, Yazone-cho, Akachi 10-3
Ruru’s Asian Store Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.