Tambayan sari-sari store and izakaya
Ang “Tambayan Sari- Sari Store and Izakaya” ay isa sa mga sikat na Filipino restaurant sa Mizuho, Gifu. Ang lugar ay accessible at may maluwang na parking area. Mahigit apat na taon pa lang mula ng maitayo ang store na ito ngunit kilalang kilala na sila dahil sa mga services na ino’offer nila.
IZAKAYA
May iba’t ibang klase ng alak na pwedeng matikman kaya naman hindi lang mga pinoy kundi pati mga hapon at iba pang foreigner ay dumadayo rin dito.
KARAOKE
Pwede ba namang mawala ang karaoke sa masarap na inuman at kainan? Syempre hindi! Kaya mayroon din silang karaoke na filipino style. Bawat kanta na ilalagay ay kailangang maghulog ng 100円 at siguradong mae-enjoy mo na ang kanta mo dahil sa maganda nilang sounds.
FOODS (with Eat All You Can)
Ito ang pinaka-paborito ng lahat sa kanilang mga services. Dahil hindi lang masarap kundi napakarami din pagpipilian sa kanilang menus.
Tuwing Sabado at Linggo ay mayroon silang eat all you can(tabehodai)! Pitong putahe ng ulam ang kanilang ihahain para sa’yo!
Time: 11:00AM-7:00PM (minsan may extention time) Costs: 1,000円 per head
Talagang masasarap ang kanilang mga pagkain! Pasok na pasok sa panlasang pinoy! Bukod dito, meron din silang pangtake-out at mga merienda!
CONVENIENCE STORE
Mala-convenience store na rin ang store na ito dahil halos lahat nandito na! Ihanda ang pitaka dahil siguradong mapapabili ka sa dami ng pagpipilian sa mga products nila. Literally, ‘kumpletos rekados’.
Tilapia, monggo, iba’t ibang klase ng seasonings, saging na saba para sa turon na lalong masarap pag kasabay ng buko juice, atbp.
REMITTANCE SERVICE
YES! Mayroon din po silang remittance service. Sila ay isa sa mga agent ng brastelREMIt. Upang subukan ang kanilang service, bumisita lamang sa kanilang shop at ituturo nila kung paano mapapabilis ang pagpapadala nyo sa Pinas!
AMBIANCE
Mae-enjoy mo ang lugar dahil narin sa approachable na staff at kakaibang ambiance ng store. Maluwang ang space at mararamdaman mo na para ka naring nasa Pinas pag nasubukan mo dito!
STORE LOCATION
TAMBAYAN SARI-SARI STORE & IZAKAYA
Weekdays: 2:30PM-10PM Weekends: 11AM-10PM
058-327-3005
facebook.com/tambayansarisariandizakaya
635 Inasato, Mizuho, Gifu 502-0224
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.