ECC JAPANESE LANGUAGE INSTITUTE【KANAYAMA BRANCH】
Ang ECC ay naglalayong makapagbigay ng kontribusyon sa paghubog sa kakayahan ng mga mag-aaral, internasyonal na kamalayan at mga katangian ng pamumuno. Sa paraang ito, magkakaroon ng pagkakaunawaan ang bawat tao saan mang panig ng mundo na makakatulong upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan.
Bilang pinakamalaking institusyon na nagbibigay ng pang-matagalan na edukasyon sa Japan, marami pang programa at serbisyong pang edukasyon ang kanilang inaalok. Matibay na ang kanilang pundasyon sapagkat mayroon na rin silang nabuong organisasyon sa labas ng bansa.
Kasama sa maraming serbisyo na ibinibigay nila ay ang pagtuturo ng salitang hapon o Nihongo. Kaya itinatag ang ECC Japanese Language Institute. Ang ECC Japanese Language School (Kanayama School) ay isang paaralan para sa mga nais matuto ng wikang Hapon at sa mga naninirahan sa Japan na may natitirang 90 araw na visa mula sa ibang bansa na may isang panandaliang visa. Bilang karagdagan sa pag-aaral ng apat na kasanayan ng “pakikinig”, “pagsasalita”, “pagbabasa” at “pagsulat”, matututo kang magsalita ng “kapaki-pakinabang na Nihongo” na kinakailangan para sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng iba’t ibang mga aktibidad.
Kanayama School Branch (Nagoya-shi) – Kasama ang may permanente at long-term visa, ito naman ang paaralan para sa may mga short-term visa at working holiday visa na may maiksing panahon lamang upang makapag-aral ng Nihongo.
Ang pangunahing leksyon na tinututukan dito ay Nihongo na magiging kapaki-pakinabang sa ating pakikipag-komunikasyon sa pang araw-araw na buhay at pati na rin sa trabaho katulad ng pagsusulat ng mga kanji, hiragana at katakana.
Para sa mga gustong mag-aral na mayroon lamang short-term visa, dapat ay mayroong atleast 90 araw ang natitira sa visa upang makapasok sa paaralan.
Kanayama School Branch Short Background
Abril 2016 nang simulang buksan ang paaralang ito bilang “short-term visa specialized school” at para na rin sa mga residente dito sa Japan na gustong matuto at mahasa ang kanilang galing sa pakikipag-ugnayan at sa mga nais na magamit nila kaagad ang kanilang natutunan sa paaralan sa lalong madaling panahon. Katulad ng ECC Nagoya branch, ito ay binuksan din sa Kanayama.
Sa data mula noong October 2018 hanggang Abril 2019, ang may pinakamaraming bilang ng nag-aaral dito ay mula sa China na may 52%, kasunod ang Korea na may 16%, Vietnam 7%, Taiwan 5%, Philippines 4%, Hongkong 3% at iba pang mga bansa na bumubuo sa 13%.
Bakit mas maganda na piliin ang ECC Japanese Language Institute pagdating sa pag-aaral ng Nihongo?
Kapaki-pakinabang na Nihongo
“Pakikinig” “Pakikipag-talastasan” “Pagbasa” “Pagsulat”- mga basic ngunit komprehensibong pag-aaral
“Matutong makapag-salita sa lalong madaling panahon!” – ang pagtuturo ng praktikal na nihongo ang kanilang espesyalisasyon
Makipag-usap at Tandaan
Hinihikayat ang mga mag-aaral upang matuto na mag-aral ng salitang hapon sa pamamagitan ng sariling kakayahan.
Sentro ng klase ang maraming aktibidad sa loob at labas ng paaralan na kapaki-pakinabang upang madaling matuto hindi lamang ng Nihongo kundi pati narin ng kultura nila.
Class-based na karanasan
Magkakaroon ng pagkakataon upang maranasan ang kultura ng Japan.
Pakikiisa sa mga mahahalagang kaganapan sa loob at labas ng paaralan.
Kasama sa aktibidad sa loob nang klase ang presentations, interview, at aktibidad sa labas ng paaralan katulad na lamang ng pakikipag-usap sa mga hapon sa pamamagitan ng pag-interview.
KURIKULUM
TUITION FEE (kasama na ang buwis)
Ang pag-aaral sa ibang bansa ay mahalaga dahil sa kakaibang karanasan na dulot nito sa iyong buhay. Makakatulong ito sa pagbabago ng persepyon mo sa buhay bilang isang tao. Maiksi man ang panahon mo bilang isang mag-aaral o mahaba, ang paninirahan sa ibang bansa bilang mag-aaral ay nangangahulugan na uuwi ka sa iyong bansa na may bagong sandata sa pagtuklas ng mga bagong bagay, nakakilala ng mga bagong tao, at nagkaroon ng mas pandaigdigang pananaw habang nagtatagumpay sa larangan ng akademiko.
Ang maiksing oras ng pagsisikap na iyon ay patuloy na magbibigay sa iyo ng impluwensya sa mahabang panahon higit pa sa oras na iyong ginugol upang mag-aral, na makakaapekto sa iyong mga pagtuklas, sa pagta-trabaho, at pamumuhay.
Para sa mga interesado na mag-aral ng Nihongo, tumawag lamang sa numerong ito: 080-4180-0236 (English and Tagalog) o mag-mail sa: staff@jn8.jp
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.