5 Battery Saving Tips
June 19, 2019 (Wednesday)
5 Battery Saving Tips
1.Be careful with third party applications
Ang mga application na hindi maayos na naka-code o dinisenyo ay maaaring madalas kumonsumo ng mas maraming baterya kaysa sa nararapat. Mag-ingat kapag pumipili ng iba’t ibang mga application. Sa madaling salita, ang application na gawa ng malaking kompanya ay mayroong mas mahusay na code ng baterya kaysa sa application na ginawa ng one-man-band o karaniwang tao lamang.
2.If you have no signal, set the phone to offline
Kung ikaw ay nasa isang lugar kung saan walang signal (hal. sa basement, subway tunnel), i-set ang cell phone sa offline mode. Dahil kung hindi, ito ay patuloy na mag-i-scan para humanap ng signal.
3.Use a dark wallpaper
Mas malakas kumonsumo ng baterya ang matitingkad na kulay ng wallpaers kaysa sa medyo mapusyaw. Mas maganda siguro na i-consider din natin ang paggamit ng dark-themed wallpaper.
4.Close applications when not needed
Karamihan sa mga cellphone, na-ma-manage nito ng maayos ang mga application na nakabukas, ngunit hindi palaging ito ang kaso. Kung hindi naman ginagamit ang application ay mas magandang isara na lamang ito.
5.Avoid exposing the battery to metal
Huwag kailanman hayaan na madikit ang baterya ng cellphone sa mga bagay na metal tulad ng mga susi o barya. Ito ay maaaring maging dahilan ng short circuit ng baterya na magpapahina dito.
Source: PHONETIPSANDTRICKS
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.