You Sari-Sari Store Sakae – Your one-stop shop for Filipino goods!
Ang You Sari-Sari Store Sakae ay isa sa mga kilalang Philippine store sa Nagoya City. Ang lugar ay accessible dahil malapit ito sa Sakae station at meron silang mga iba pang inooffer na services! Nagsimula ito noon pang 2013, at patuloy silang naghahandog ng pinoy products para sa ating mga kababayan dito sa Japan.
PINOY PRODUCTS
Lagi silang may available na mga pinoy products na parang convenience store narin kung iisipin! Kung ikaw ay bibisita dito at talagang namimiss mo na ang mga produktong galing pinas, siguradong mapaparami ka ng mabibili!
Beauty products, shampoos, deodorants, powder, at iba pang ginagamit natin sa pang-araw araw ay mayron din sila. At syempre mawawala ba naman ang mga canned goods natin gaya ng Ligo, Del monte pineapple slices, SPAM, atbp!
Meron din silang mga pinoy beverages gaya ng Del Monte Pineapple drink, Gina Mango Nectar, at coconut drinks!
At saan ka pa, mayron din silang mga frozen pinoy products gaya ng Tocino, Skinless Longganisa Bangus, at hotdog! Pati mga condiments natin gaya ng dahon ng laurel, durog na paminta ay meron din sila!
MONEY REMITTANCE SERVICES
Bukod sa mga pinoy products na kanilang binebenta, mayron din silang Money Remittance Service. Sila ay isang Authorized Agent ng Metro Remittance Japan Co., Ltd., na tutulong sayo para makapag-padala sa Pilipinas ng pera sa iyong mga kamag-anak at minamahal. Mabait ang staff nila at talagang i-aassist ka sa proseso ng pagpapadala.
i-Click ang link na ito para malaman kung paano magpadala.
http://www.metro-rj.co.jp/info/member_entry_guide
STORE LOCATION / HOW TO VISIT
Ang shop ay may 7 minutes walk na layo mula sa Sakae Station No. 13 EXIT. Malapit ito at madali lamang matandaan basta makita mo ang APA Hotel at ito ay nasa tapat nito.
NO MASK NO ENTRY po sa lugar.
STORE ADDRESS
YOU SARI-SARI STORE SAKAE
Mondays – Saturdays 6PM – 4AM (Except Sundays)
090-6088-8903
〒460-0008 Aichi Prefecture, Nagoya City, Naka Ward, Sakae 4-8-7 Dai-1 Ocean Building 1F
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.