South Kaibigan, Nagoya Minami Ward’s Pinoy store
Nakapunta ka na ba sa South Kaibigan Philippine Store? Kung hindi pa ay samahan nyo kami sa pag-punta sa lugar at pagtingin ng mga services na inooffer nila! Ang South Kaibigan Philippine store ay itinayo pa noong 2009 sa Naruhama Town sa Minami Ward, Nagoya City at kasalukuyan paring naghahandog ng mga produktong Pinoy sa Japan!
Pagpasok mo palang sa lugar ay sasalubungin ka na ng mga dami ng mga pinoy products na kanilang ibinibenta. Napakaraming meron dito at siguradong mapapabili ka talaga!
WIDE RANGE OF PINOY PRODUCTS
Napakarami nilang binibentang pinoy imported products gaya ng mga chichirya, mga pang-noche buena, mga kasangkapan sa pagluluto at mga ginagamit tuwing may birthday o selebrasyon at marami pang iba!
Maging mga shampoos, conditioners, at mga beauty products ay meron at talaga namang madami kang mapagpipilian!
KARINDERIA (DINE-IN)
Mayroon din silang Karinderia sa loob. Maganda at maaliwalas sa loob ng pantry nila kaya’t makakasigurado kang ligtas kumain dito at masarap ang kanilang mga hinahanda. Maluwag ang kanilang dining area at maaaring kumain ang 20 katao. Sa ngayon ay may pandemya kaya’t nililimitahan lang nila ang mga taong kumakain.
TAKE-OUT
Nag-ooffer din sila ng take-out sa mga pagkain nila. Pwedeng mga lutong ulam o kaya mga pang merienda na talaga namang pasok sa panlasang pinoy.
BOOKS SECTION & MONEY REMITTANCE SERVICE
Habang nag-iikot-ikot sa pagpili ng mga bibilin, siguradong mapapadaan ka sa parte ng lugar na kung saan makikita mo ang mga binibentang pocket books at mga Philippine literature books. Iba’t-ibang uri ng mga libro ang makikita dito kaya’t marami kang mapagpipilian.
Bukod dito, ang South Kaibigan ay may money remittance service na kanilang inooffer. Sila ay parte ng LBC padala at makaaasa kang susuportahan ka ng mga mababait na staff sa proseso ng pagpapadala.
AIRLINE RESERVATION SERVICE & CLOTHING STORE
Sa bandang entrance naman ng lugar, matatagpuan ang Airline Reservation Service, ito ay hindi bahagi ng South Kaibigan ngunit nasa loob rin ito ng gusali. Mayron silang Airline reservation service sa mga taong gustong bumili ng ticket pauwi ng Pinas o pumasyal sa ibang bansa.
Mayroon ding tindahan ng mga damit sa loob ng gusali. Hindi rin ito pagmamay-ari ng South Kaibigan ngunit ito ay makikita kapag ikaw ay pumasok sa loob. Dito ay may nagbebenta ng mga dress at iba pang pambabaeng damit na galing pang Pilipinas.
STORE LOCATION / HOW TO VISIT SOUTH KAIBIGAN PHILIPPINE STORE
Ang tindahan ay malapit sa Shibata Station, 15 minuto ang layo kung lalakarin. Maaaring sundan ang larawan para maging gabay.
STORE ADDRESS
SOUTH KAIBIGAN
MON-FRI 11AM – 11PM
SAT-SUN 10AM – 11PM
052-612-7897
〒457-0806 Aichi Prefecture, Nagoya City, Minami Ward, Naruhama Town 7 Chome-2-1
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.