Mga foreigner na hindi makauwi sa kanilang mga bansa, papayagan na panandaliang mag part-time job
Ibinalita ng mga awtoridad sa Japan Immigration na pinahihintulutan na nila na magpart-time job panandalian ang mga dahuyang hindi makauwi sa kanilang mga bansa dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID 19.
Ito ay ipatutupad ngayong araw, Disyembre 1.
Sinabi rin ng Immigration Services Agency na may mga taong nastranded dito sa Japan dahil hindi sila pinapayagang makauwi sa kanilang mga bansa dahil naghigpit ang seguridad sa pagpapapasok at pagpapalabas ng bansa. At dahil dun, maraming mga dahuyan ang nahihirapan sa pinansyal na problema.
Ang planong ito ay para sa mga 21,000 dayuhan, kasama na ang mga pumunta dito sa Japan para sa short-term stay lang o bilang isang technical trainee. Para rin ito sa pagtulong sa mga dayuhan hanggang sila’y makauwi na.
Kung nais makapagpart-time ang isang dayuhan ay kinakailangan lang itong pumunta sa Immigration Services Agency para magfile ng application.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.