Kizunaya Monjayaki Ikeshita Branch
Nakakain na ba kayo ng Monjayaki dito sa Japan? Ang Monjayaki ay tinatawag ring “Monja” na kung saan para itong pancakes katulad ng Okonomiyaki. Ito ay sumikat sa Kanto region (Tokyo area). Ang ingredients nito ay medyo katulad sa okonomiyaki, ngunit may dagdag itong ibang dashi o stocks na sabaw kaya medyo mas matubig siya kumpara sa okonomiyaki.
Ang Kizunaya sa Ikeshita branch ay naitayo noong August 4, 2020 sa Nagoya City, Chikusa ward. Japanese restaurant ito na nag-seserve ng Monjayaki as their main dish. Kilala ang main branch nila sa Nagoya City, Mizuho Ward na kung saan talaga namang marami palaging customer. Tara at tignan natin ang mga pagkain nila at kung paano ito mapupuntahan.
KIZUNAYA MENU
Ang best seller nila ay ang Monjayaki, mayron silang iba’t-ibang flavors like seafood, pork kimchi, mentaiko cheese, at marami pang iba. Bukod sa monjayaki ay nagseserve din sila okonomiyaki, yakisoba, at iba pang Japanese foods.
Eto naman ang kanilang mga iba pang sine-serve! May Okonimiyaki, Yakisoba, at meron din silang teppanyaki menu!
Nakakatakam talaga ang mga pagkain nila at sa pagpunta ko ay nagbigay pa sila ng free drink as a service! Marami din silang mga side menus, fried foods at iba’t ibang available selection ng drinks!
Pwede mong i-click ang link para makita ang full set ng menu nila.
https://kizuna-ya.jp/menu/
AMBIANCE
Maganda ang ambiance ng lugar at maluwag ito. Meron din silang counter seating kung gusto mong mag-chill lang. Ang bawat table ay may sariling lutuan kaya’t talagang maeenjoy mo ang iyong pagkain. Gumagamit din sila ng tablet para sa mga orders kaya hindi mo na kailangan tawagin palagi ang staff. Pwede ka umorder gamit lang ang tablet!
KIZUNAYA IKESHITA LOCATION
Ang Kizunaya Ikeshita Branch ay 5 minutes lang mula sa Subway ng Ikeshita Station. May malaking sign ng Kizunaya sa lugar kaya madali mo itong makikita.
Tumatanggap din sila ng seat reservations kaya makakasigurado kang mairereserba ka nila ng upuan sa iyong pagpunta!
KIZUNAYA IKESHITA ADDRESS
KIZUNAYA Monjayaki Ikeshita Branch
〒464-0073 Aichi, Nagoya, Chikusa Ward, Takami, 2 Chome−4−7 井上ビル 1F
TEL: 052-715-7270
Business Hours: 17:00-23:00
Lunch Time Business Hours: 11:00-15:00
KIZUNAYA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
Meron narin silang social media!!! Pwede nyo sila i-follow at mag-ooffer sila ng mga discounts at promos soon!! I-click nyo lang ang icons para ma-redirect sa links!
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.