Hanbijae 韓美膳 ハンビジェ – One of the best Korean restaurant in Kanayama Nagoya City
Mahilig ka ba sa mga Korean foods? Samgyupsal, kimchi, bibimbap, chijimi, ilan lang yan sa mga sikat na Korean dishes. Ang Hanbijae 韓美膳 ハンビジェ Kanayama Branch sa Nagoya City ay isa sa mga kilalang Korean restaurant sa Nagoya area. May mga branch narin sila sa Lala Port at Nagashima Spa Land at patuloy pa itong dumadami. Tara at tignan natin ang kanilang mga sineserve na pagkain!
HANBIJAE KOREAN RESTAURANT MENU
Nakapunta ako sa Hanbijae Korean restaurant Kanayama Branch noong isang araw at sinubukan kong magpaalam na kumuha ng mga litrato at gawan sila ng artikulo. Andami nilang inooffer na pagkain at ang specialty nila ay ang Samgyusal, Bibimbap, Reimen at Sundubu.
Ang inorder ko ay ang kanilang Sundubu set. Umorder din ako ng kanilang Cold noodles (Reimen) at Cheese Ttakkalbi! Meron silang Lunch Time menu na sa halagang 1,000YEN lang ay makakakain kana ng full set ng kanilang meal! Makakain ka ng dalawang potahe na may kasama pang salad at mini chijimi! At kung sa Dinner naman ay mayron din silang Dinner time set na kung saan set meal na ang pagkain na may kasama pang dessert!
Makakasigurado kang authentic ang lasa ng mga pagkain nila dahil maging ang manager nila ay isa mismong Koreano. Pati ang mga staff sa loob ay may koreano din silang kasama na naghahanda ng pagkain ng mga customers. Mafefeel mo talagang authentic korean food ang iyong kinakain!
Maaring tignan ang menu nila sa link na ito:
https://tabelog.com/aichi/A2301/A230105/23054013/dtlmenu/photo/
RESTAURANT AMBIANCE
Maganda ang ambiance sa lugar at nakakarelax kumain dito. Habang kumakain ka kasama ang mga kaibigan mo ay makakarinig ka ng mga sikat na korean songs~ Mababait ang mga staff nila at maging ang kanilang manager.
HANBIJAE KOREAN RESTAURANT KANAYAMA BRANCH LOCATION
Ang Hanbijae Kanayama branch ay nasa loob mismo ng Kanayama Station, sa loob ng μPLAT Kanayama 2nd floor. Ito ay very accessible kaya naman kung mapapadaan ka sa Kanayama at nag-ccrave ka sa Korean foods, magandang bisitahin ang lugar at dito na kumain!
Tumatanggap sila ng reservations at meron din silang mga drink-all-you-can promos kung mahilig ka sa mga korean liquors!
HANBIJAE KANAYAMA ADDRESS
HANBIJAE KANAYAMA BRANCH
〒456-0002 Aichi, Nagoya, Atsuta Ward, Kanayamacho, 1 Chome−1−18 μPLAT2F
TEL: 052-265-7879
Business Hours: Everyday 11AM-11PM (L.O. 10PM)
No. of Seats: 23 seatings available
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.