au Shop Hamamatsu Tomitsuka Branch
Ang au Shop Hamamatsu Tomitsuka Branch (tinatawag ring au Shop Hamamatsu Tomizuka branch) ay naka-locate sa Tomitsukacho, Naka Ward, Hamamatsu. Hatid nila ang magbigay serbisyo sa mga mamamayan ng lugar sa kanilang telecommunication services. Mayron din silang mga offers na limitado lang sa branch nila at marami silang mababait na staff na handang sumagot sa inyong mga katanungan.
CUSTOMER SERVICE AREA
Magandang araw! Ako si Osumi at ako ang inyong magiging guide ngayon para ipakilala ang aming au Shop! Marami kaming available seats para sa mga customers at kung may transaction kayo, makakasigurado kayong nagpapatupad kami ng safety protocols sa gusali para makaiwas sa paglaganap ng virus.
Maluwag ang espasyo ng bawat upuan at meron ding barrier sa pagitan ng customer at staff.
AMBIANCE
Malaki ang space sa loob ng branch namin. Bukod sa pagsisigurado sa kaligtasan ng mga customer, marami kaming available na iba’t ibang accessories, pati narin ang mga latest devices na aming inooffer! Marami kaming staff na available para tumulong sa inyong mga katanungan! Meron kaming English, Tagalog, Portuguese at Peru language support staff kaya’t makakasigurado kayong handa kaming tumulong!
Mayroon din silang napakakomportableng customer area na kung saan maaaring manood at mag-relax ang mga customers habang nag-hihintay sa kanilang mga transactions. Maganda ang lounge nila at para ka nang nasa sinehan. Bukod dito, maluwag at maaliwalas ang kanilang rest room, at mayron din silang children’s play corner na pwede mong pag-iwanan ng bata habang may transaction kang inaantay.
WIDE PARKING SPACE
Ang au Shop Hamamatsu Tomitsuka branch ay may maluwang na parking area. Nagulat kami sa aming pagpunta dahil napakalaki nito at talagang hindi ka mawawalan ng parking space. Ang parking lot nila ay nasa left side lang mismo ng shop.
AU SHOP HAMAMATSU TOMITSUKA LOCATION
Ang shop ay nasa Kanzanji-kaido road malapit sa Yayoi Minami Park at ang Hamamatsu station ang pinakamalapit na station sa lugar. May kalayuan ang shop sa pinakamalapit na station, ngunit ito ay nasa isang lugar na laging dinadaanan ng mga tao at sasakyan. Nirerekomenda na gumamit ng kotse sa pagpunta.
AU SHOP HAMAMATSU TOMITSUKA ADDRESS
AU SHOP HAMAMATSU TOMITSUKA
2068-1 Tomitsukacho, Naka Ward, Hamamatsu, Shizuoka 432-8002
TEL: 053-412-7101
Business Hours: Everyday 10AM-7PM
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.