Siete Siete Sari-Sari Store Kita Nagoya
Ang Siete Siete Sari-Sari Store & Restaurant ay itinayo pa noong 2003 sa Kujino Kitaura 22 Nagoya City. Kilala ito ng mga pinoy na malapit sa lugar at talaga namang dinadayo ito. Marami pa silang ibang services hindi lang ang pagtinda ng Pinoy products. Halika ang tignan natin ang kanilang sari-sari store!
WIDE SELECTION OF PINOY PRODUCTS
Marami silang binibentang pinoy products na talaga namang hindi mo mabibili sa normal na store dito sa Japan. Pinoy canned goods, pancit canton, pang-sahog sa pangluto, pang-gawa ng mga pinoy deserts, at marami pang iba!
Maging ang laging kinakain ng mga pinoy na mga tsitsirya ay meron din! Maging ang sky flakes, mga biskwit, pati mga powdered juice gaya ng TANG ay meron din!
Meron din silang mga condiments at mga sangkap na pangpalasa sa mga lutong pinoy. At syempre mawawala ba ang mga inuming pinoy gaya ng Chuckie, San Miguel beer, C2, atbp! Andami nilang binibenta diba?
FROZEN GOODS
Bukod sa napakarami nilang pinoy products, meron din silang mga frozen goods. Merong Tender Juicy hotdog na talaga namang mamimiss mo kung hindi ka na nakakauwi sa pinas, meron ding mga pampanga’s best na mga imported goods. Maging mga isda gaya ng Tilapya, tuyo, galunggong ay meron din! Tindahang pinoy talaga ang Siete-siete Sari-sari store.
BAGS, ACCESSORIES, AND OTHER IMPORTED ITEMS
Sa dami ng mga tinda sa loob, agad mo ring mapapansin ang mga binibenta na hindi pagkain, kundi mga accessories, bags, at iba pang mga kagamitan na mabibili mo lang sa Pinas. Maging ang mga beauty products, pulbos ay mabibili mo rin dito.
MONEY REMITTANCE SERVICE
Bukod sa mga imported goods, meron din silang Money Remittance Service at sila ay partner ng “Metro Remit”. Madali magproseso ng pera padala sa kanila at talagang matulungin ang kanilang staff.
Natanong pa ako ng iba pa nilang services at sila ay nag-ooffer din ng Air Ticketing service, maging ang Jumbo Box (Balikbayan box) para sa mga gustong magpadala sa Pilipinas ng maramihang padala. Maaaring kumunsulta sa kanilang tindahan upang magtanong pa ng detalye tungkol dito.
STORE LOCATION / HOW TO VISIT SIETE SIETE SARI-SARI STORE
Ang Siete Siete sari-sari store ay malapit sa Kami Otai Station at Nishiharu Station. Parehong 30 minutos ang layo (walk) mula sa station.
SIETE SIETE SARI SARI STORE ADDRESS
Siete Siete Sari-Sari Store
Everyday 9 AM – 10 PM
TEL: 0568-24-3708
〒481-0012 Aichi Prefecture, Nagoya City, Kujino Kitaura 22
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.