JEN’s Grocery and Snack Hamamatsu
Ang JEN’s Grocery and Snack sa Hamamatsu City, Shizuoka Prefecture ay isa sa mga pinaka kilalang Pinoy store and restaurant sa Hamamatsu City. Nagsimula ito noon pang 2014 at bukod sa napaka-accessible na lugar nila, at maraming Pinoy products na binibenta, masarap kumain sa kanilang Restaurant at talaga namang pasok na pasok sa panlasang Pinoy ang kanilang mga pagkain~! Tara at tignan ang kanilang mga inooffer na serbisyo!
JEN’S GROCERY STORE
Ang JEN’s Grocery and Snack ay may tatlong area, meron silang restaurant area, accessories area, at groceries area. Malaki ang kanilang groceries area at marami silang Pinoy products na available. Andito na sa kanila halos lahat rin ng hanapin mong pinoy goods at talaga namang eenjoyin mo ang pamimili!
Condiments, pang-sahog, chichirya, mga kasangkapan sa pagluluto, de lata ay meron sila dito! Maging pulang itlog at mga Pinoy beverages ay meron rin!
Hindi lang yan, napakarami nilang frozen products na galing pang pinas! Merong mga masasarap na isda, karne, pati mga ice cream na sa Pinas mo lang mabibili ay meron din sila! Talagang magugustuhan mong pumasyal dito lalo na kung nag-ccrave ka ng Pinoy foods!
COSMETICS AND BOOKS
Meron din silang mga cosmetics at beauty products na binibenta gaya ng sabon, shampoo, conditioners, lotions at iba pa! Pati mga Pinoy pocket books ay meron din!
JEN’S RESTAURANT
Ang kanang parte naman ng kanilang lugar ay ang kanilang restaurant. Kilala ang JEN’s hindi lang sa kanilang grocery store kundi maging sa kanilang restaurant na talaga namang masarap! Kasabay ng pagpunta namin upang bumili ng mga pinoy products, kumain narin kami dito. Meron silang mga COMBO menus na talaga namang kasya sa buong tropa. Meron din naman silang short orders pati breakfast meals. Marami silang available na pagkain na pasok na pasok sa panlasang pinoy at talagang maaalala mo ang Pinas. Meron din silang Tabehoudai eat-all-you-can tuwing Sabado at Linggo!!!
Sa punta namin ay kumain kami ng Pinoy barbecue, Chicken at Lechon Paksiw. Ang serving ng lechon paksiw ay pwede na sa 3 tao. Napakarami nito at talagang nabusog talaga kami. Sobrang nakakamiss kumain ng mga lutong pinoy kaya’t nirerekomenda talaga namin na bumisita kayo sa lugar at subukan ang kanilang mga pagkain!
JEN’S TAKE OUT AND BILAO SERVICES
Meron din silang Take Out services at Bilao services! Maraming servings at malaki ang kanilang bilao service. Siguradong mageenjoy talaga kayo lalo na kung merong mga mahahalagang celebrations! Pwede ka umorder sa numero na ito: 053-522-8951.
JEN’S JEWELRY AND ACCESSORIES
Meron din silang accessories and jewelries corner na kung saan nag bebenta sila ng mga alahas, mga bags, hikaw, at iba pa na galing pang Pinas!
JEN’S MONEY REMITTANCE SERVICE & CARGO BOX
Maari rin kayong kumunsulta sa kanila tungkol sa pagpapadala ng pera sa Pilipinas dahil partner sila ng SBI Remit money remittance agency! Mabait ang kanilang staff at siguradong tutulungan kayo sa proseso ng pagpapadala.
Meron din silang “Jumbo Box” balikbayan box service kung gusto nyong magpadala ng maramihan sa Pinas! Ang kanilang Jumbo box ay nasa 75 x 55 x 63cm ang laki. Maaring kumonsulta sa kanilang lugar o telepono para sa karagdagang impormasyon.
JEN’S STORE LOCATION
Ang Jen’s Grocery and Snack ay napakalapit lang sa Hamamatsu Station. 6 minuto lang ang layo kung lalakarin mula sa Station kaya naman ay talagang dinadayo ito ng mga kababayan natin na malapit sa lugar.
JEN’S ADDRESS
JEN’s Grocery and Snack Hamamatsu
Everyday 10 AM – 4 AM
TEL: 080-3656-5098
〒432-8032 Shizuoka Prefecture, Hamamatsu City, Naka Ward, Ebitsuka Town 52-1
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.