Nitori, nag-sagawa ng recall sa kanilang bathmats at coasters dahil sa risk ng cancer!
Ang sikat na home furnishing chain sa Japan na “Nitori” ay may slogan na “onedan ijou” na ang ibig sabihin ay “magandang quality sa murang halaga”. Subalit, mukhang nagkaron ng problema sa kanilang produkto at kailangan itong i-recall.
Ang Nitori ay nag-issue ng recall sa kanilang mga produkto, partikular na ang mga gawa sa China na mayrong diatomaceous earth, na ginagamit para makagawa ng mga solid na bagay.
Ito yung mga nakikita sa Nitori na parang gawa sa clay na humihigop ng tubig pag nababasa gaya ng bathmats, at coasters. Pero napagalaman na kung ito ay madurog, masira o mapulbura, naglalabas ito ng tinatawag na asbestos.
Ang asbestos ay isang maaaring maging sanhi ng cancer kapag nalalanghap. Hindi lang ang cancer, kundi maaaring mesothelioma at asbestosis rin ay posibleng maging sakit ng isang tao.
Sa total, siyam na bagay ang i-rerecall ng shop. 7 sa Sarasara coaster line (product codes 7833412, 7833316, 7833315, 7833245, 7833079, and 7832888) at 2 sa Kaiteki Sarasara Bathmat series (7741021 and 7740976).
Ang mga nasabing bagay ay ibibibenta mula pa Enero ngayong taon, at isang bathmat naman ay ibinibenta pa noon pang 2016 ng Disyembre. Umabot sa mahigit 2.4 milyon na bagay ang apektado sa recall.
Pinakikiusapan ng Nitori na itigil muna ang pag-gamit ng mga produktong ito kung ito ay nabili.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.