Supermoon Supermarket – Pinoy Supermarket in Hamamatsu
Nakapunta ka na ba sa Supermoon Supermarket sa Hamamatsu, Shizuoka? Ang Supermoon Supermarket Hamamatsu ay mahigit 10 taon nang nagbibigay serbisyo sa mga Pilipino at iba pang dayuhan sa Japan. Kilala na ito ng maraming Pilipino sa lugar at talaga namang dinadayo ito. Marami silang mga tinitindang Pinoy products at bukod rito ay meron ding money remittance. Halika at tignan ang kanilang mga produkto at serbisyong inooffer!
PHILIPPINE PRODUCTS
Marami silang available na Philippine products galing pang pinas, mayrong mga kasangkapan sa pagluluto, mga tsitsirya, mga de lata, maging mga shampoos, at iba pang mga produktong galing pang Pinas ay nandito!
FROZEN GOODS
Iba’t-ibang frozen products ang kanilang ibinibenta. Mayrong mga Philippine imported meat and fishes, merong mga chicken skin, chicken feet, liver, mga parteng magagamit mo sa pagluto ng Pinoy foods! Meron ding mga paborito nating Tocino, dugo ng baboy, Hotdog, pati mga dilis, Tinapa, at ang ating Bangus!!!
Meron din silang mga pulang itlog, fishball, kikiam, squid balls, maging mga pagkain ng Goldilocks, bibingka, Selecta Ice cream, at marami pang iba!
SUPERMOON NIGHT BAR
Tuwing gabi naman ay meron silang tinatawag na Supermoon Night Bar. Ito ay bukas mula 7 PM hanggang 12 ng madaling araw. Marami silang sine-serve na iba’t ibang drinks at limitado lang ang bisita sa ngayon dahil sa epekto ng pandemya.
KYODAI REMITTANCE
Bukod sa kanilang grocery store at night bar, kilala rin ang Supermoon sa kanilang money remittance service. Ito ay ang Kyodai Remittance. Madali lang magrehistro at magpadala gamit ang Kyodai Remittance at hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa iba pang bansa gaya ng Peru, Vietnam, Indonesia, China, Brazil at iba pa ay pwedeng magpadala. Kaya naman dinadayo talaga ito hindi lang ng Pilipino kundi maging ang iba pang foreigners!
Ang Kyodai Remittance ay bukas mula 10 AM hanggang 7 PM at sarado ito tuwing Martes at Japanese Holidays. Maaring i-click lang link sa baba para makita ang kanilang website.
SUPERMOON LOCATION / HOW TO VISIT SUPERMOON
Ang Supermoon Supermarket ay malapit lang sa Hamamatsu Station. 4 minuto lang ang layo nito mula sa station kaya naman sobrang lapit at talagang madaling puntahan. Lumabas lang sa South Exit ng Hamamatsu Station at maglakad ng 4 na minutos.
SUPERMOON ADDRESS
Supermoon Supermarket Hamamatsu
Everyday 9 AM – 8 PM
TEL: 053-488-4327
〒430-0926 Shizuoka Prefecture, Hamamatsu City, Naka Ward, Sunayama Town, 358-1
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.