Mekeni メケニ Sakae – A prospering Philippine restaurant in Nagoya
Ang Mekeni メケニ Sakae ay isang Philippine restaurant sa Nagoya City, Sakae na nagsimula noong Abril 2020. Nakikilala na sila sa lugar dahil sa kanilang masasarap na pagkain at catering services na talaga namang eenjoyin ng lahat. Tara at tignan ang kanilang lugar at alamin kung anong mga serbisyo at pagkain ang kanilang hinahandog.
EAT-ALL-YOU-CAN
Ang Mekeni Sakae restaurant ay kilala sa kanilang eat-all-you-can (tabehoudai) service! Isa sila sa mga nag-ooffer ng eat-all-you-can Filipino foods sa Nagoya City. Bawat araw ay iba-iba ang kanilang siniserve na pagkain at siguradong maeenjoy mo ang masasarap nilang mga handa. Karaniwang pumupunta dito ang mga magkakapamilya at magkakaibigan para sabay-sabay na kumain ng masarap na Pinoy foods.
Ang kanilang eat-all-you-can ay nasa ¥1,999 kada tao for 1 hour. Hindi lang eat-all-you-can ang kanilang pagkain, pwede rin umorder ng gusto mo lang sa mas mababang presyo.
Bukod dito ay mayron din silang mga iba’t-ibang available drinks at pwesto ng tindahan ng mga Pinoy products. Hatid nila ang magbigay ng convenience sa mga customer hindi lamang sa kanilang mga pagkain.
AMBIENCE
Maaliwalas at maganda ang kanilang dining area. 22 customers ang maaaring kumain ng sabay-sabay at sinisigurado ng management nila na sumusunod ang lahat sa health protocol upang makaiwas sa ano mang sakit. Hindi kailangan ng reservation upang kumain dito kaya’t maraming mga kababayan natin ang dumadayo para makakain dito.
TAKE-OUT & DELIVERIES
Bukod sa kanilang masasarap na handa, meron din silang Take-out and delivery service! Kadalasan ay naghahanda sila ng mga pagkain na ready for take-out at kumukuha rin sila ng orders online sa kanilang social media account. Maari mong i-follow ang kanilang social media account (nakalista sa baba) para maging updated ka sa menu nila sa partikular na araw.
Hindi lang yan, mayron din silang mga bilao at bulk orders! Magandang maganda ito sa mga parties at mga celebrations!
CATERING SERVICES
Meron din silang catering services na inoofer. Tumatanggap sila ng maramihang orders at makakasigurado kayong on-time sila. Maari nyo silang kontakin kung interesado kayo sa kanilang catering service at i-aassist kayo ng mababait nilang staff.
MEKENI SAKAE LOCATION / HOW TO VISIT MEKENI SAKAE
Ang Mekeni Sakae ay malapit lang sa Sakae Station. Lumabas lang mula sa Exit 13 at maglakad lang ng 8 minuto upang makapunta sa lugar. Ang shop nila ay nasa 2nd Floor ng Cattleya building. Maaring sundan ang litrato sa pagpunta.
MEKENI SAKAE ADDRESS
MEKENI メケニ SAKAE
TUES – SUN 6PM – 3AM
Tel: 070-16719998
〒460-0008 Aichi Prefecture, Nagoya City, Naka Ward, Sakae 4-21-1 カトレヤビル 2F
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.