The Amigos, famous meat supplier & Brazil store in Japan; AsianFoods Philippine Online store
Alam mo bang posibleng makabili ng mga parte ng baboy at baka na hindi nakikita ng normal sa lokal na supermarket? Dito sa The Amigos, maraming uri ng karne ang kanilang ibinibenta. Hindi lang karne, kundi maging mga Brazilian products at Pinoy products ay meron din. Halina’t tignan ang kanilang patuloy na nakikilalang negosyo.
WIDE SELECTION OF BRAZILIAN PRODUCTS
Ang The Amigos ay isa sa mga kilalang Brazilian products supplier dito sa Japan. Marami silang binibentang produkto at pagkain na galing pang Brazil, at hindi lamang produkto, maging mga karne, na kung saan sila patuloy na nakikilala.
Mayroong silang 7 branches sa Japan. Meron sa Odaka City, Ogaki City, Toyokawa City, Iwaya City, Hamamatsu City, Kosai City, at Nishio City. Mahigit 20 taon ng nagbibigay ng serbisyo ang The Amigos bilang isa sa mga kilalang meat supplier ng bansa. Maraming Hapon at Brazilian ang tumatangkilik sa kanilang mga produkto at patuloy itong nakikilala, maging ang mga Pilipino at iba pang lahi ay pumupunta narin sa lugar upang mamili at kumain ng kanilang mga karne.
Ang main service nila ay ang pagbebenta ng produkto sa kanilang local store, nagpapatakbo din sila ng online shop ng mga Philippine at Brazil products na kanilang ibinibenta.
Meron silang frozen products, softdrinks, tinapay, processed foods, at iba pa. Masasarap ang mga produktong galing sa Brazil, at siguradong marami dito ay babagay sa panlasa ng mga Pinoy. Malalaki din ang mga cuts ng mga karne nila at talagang sulit dahil malalasa ito.
Bukod sa napakaraming iba’t-ibang Brazil products, meron din silang mga produktong ginagamit sa pang-araw-araw gaya ng shampoo, conditioner, meron ding lotions, creams, maging nail polish.
Mawawala ba naman ang seksyon ng mga Asian products. Meron silang Philippine at Vietnam products corner. Nanjan ung iba’t-ibang spices, mga chichirya, delata, mga instant noodles, at iba pa. Parang sari-sari store narin ang dating dahil maging ang mga sangkap sa pagluluto ng Philippine foods ay meron sila!
ONLINE SHOP
Bukod sa kanilang physical store, meron din silang Online shopping website na kung saan makakapag-grocery ka ng kanilang mga produkto gamit lang ang iyong phone. Marami ring umoorder sa kanila online dahil bukod sa mas safe umorder, hindi mo na kailangan pang lumabas para bumili dahil idedeliver naman nila ang produktong binili mo diretso sa iyong bahay.
Meron din silang mga napapanahon na SALE kayat’ mabuting tignan from time-to-time ang kanilang online store. Iclick lang ang link na ito para makita ang kanilang mga produkto: https://www.tele-amigos.com/
ASIAN FOODS ONLINE GROCERY STORE
Meron din silang Philippine products online grocery store. Ito ay tinatawag na ASIAN FOODS na kung saan, mga produktong Pinoy naman ang inihahandog sating mga kababayan. Malaki narin at kilala ang Asian Foods dahil sa mga binibenta nilang parte ng karne na ginagamit sa ilang lutong pinoy.
Marami silang binibentang Pinoy products dito na meron din sa kanilang lokal na tindahan. Ang maganda dito, meron din silang inooffer na COD o ung Cash on Delivery service. Kaya’t makakasigurado ka na ligtas at kumpleto ang iyong mga bilihin.
Ligtas ka na sa panganib ng pandemya, sigurado ka pa na tama ang iyong mga inorder. Maaring makita ang kanilang website sa pag-click ng link na ito: http://www.asianfoods.jp/
MEAT. MEAT. MEAT
Isa sa pinakamalaking parte ng The Amigos ang kanilang meat corner. Bukod sa mga binibenta nilang Brazil products, marami din silang binibentang iba’t-ibang parte ng karne.
Kilala ang The Amigos dahil sa kwalidad ng kanilang mga karne at nagbebenta sila ng mga parteng hindi mo nabibili ng normal sa supermarket.
BRAZILIAN BBQ
Isa ang Brazil BBQ sa mga bagay na kilala sa Brazil. Tinatawag nila itong Churrasco (Chuhasko kung basahin) na ang ibig sabihin ay beef or grilled meat. Dito sa The Amigos Odaka Branch, meron silang BBQ corner na kung saan maaring kumain ang mga guests ng tradisyunal na Brazilian bbq. Kilala na ang lugar na ito dahil sa sarap at ganda ng quality ng kanilang mga karne. Maraming grupo ang nagpapareserba para kumain dito at isa narin dito ay dahil mismong brazil nationals ang naghahanda ng pagkain.
Ang BBQ corner ay bukas mula 10 AM hanggang 9 PM. Kailangan ng reservation kung pupunta sa lugar. 1,100 JPY kada tao ang bayad. Dito, pwedeng magdala ka ng sariling karne o kaya’t bumili sa loob ng fresh meat upang lutuin sa BBQ party. Use-all-you-can ang mga BBQ equipments nila, at 1 hr and 30 minutes ang oras para magamit ang pwesto.
Maaring i-click ang link na ito para makapag-reserve: https://www.the-amigos.com/
Bukod dito, may pwesto din sila ng mga ibinibentang barbecue equipments. Talaga namang maeenganyo kang gumawa ng sariling barbecue party sa iyong bahay dahil kumpleto ang kanilang mga kagamitan. Barbecue sauce, grill, maging ang uling ay meron din!
MONEY REMITTANCE SERVICE
Meron din silang money remittance service! Ang THE AMIGOS ay isang authorized partner ng Western Union Money Transfer. Marami sa ating mga kababayan at ibang lahi ang pumupunta din sa tindahan upang magpadala ng pera sa kanilang mga minamahal. Mabilis ang transaksyon at mayron silang mga staff na handang tumulong sayo sa mga katanungan tungkol sa pagpapadala.
AMBIANCE
Maaliwalas ang lugar at malaki ang espasyo nila. Bawat pwesto ay nakaayos sa uri ng produkto kaya’t madali hanapin ang kailangan. Meron din silang mga mababait na staff na handang sagutin ang iyong mga tanong.
STORE LOCATION / HOW TO VISIT THE AMIGOS ODAKA BRANCH
Ang THE AMIGOS Odaka Branch ay malapit sa JR Odaka Station. Madaling malaman ang lugar dahil dirediretso lang ang daan paglabas ng station at 10 minuto lang ang lalakarin.
THE AMIGOS ODAKA BRANCH ADDRESS
THE AMIGOS ODAKA BRANCH 異国精肉店
MON-FRI 10 AM – 8 PM
SAT-SUN 9 AM – 8PM
TEL: 052-625-4951
〒459-8001 Aichi Prefecture, Nagoya City, Midori Ward, Odaka-cho, Kamishiota-26-1
The Amigos Facebook Page: https://www.facebook.com/Teleamigos/
AsianFoods Facebook Page: https://www.facebook.com/asianfoodsjp/
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.