Cusina ni Nanay, isa sa kilalang Pinoy Restaurant & Sari-sari store sa Kariya City
Nakakain na ba kayo ng authentic na Chicken Inasal dito sa Japan? Dito sa ating bagong Pinoy store shop review, ang Cusina ni Nanay ay isa sa mga kilalang Pinoy sari-sari store at Pinoy Restaurant sa Kariya City, Aichi Prefecture. Talagang masasarap ang kanilang mga handang pagkain at marami silang produkto na talaga namang makaksolve sa Pinoy product cravings nyo. Halina’t isa-isahin natin at tignan ang kanilang mga serbisyo.
Ang Cusina ni Nanay ay itinayo noong Mayo ng 2019 sa Aichi Prefecture, Takatsunami Town, Kariya City. Kilala ang tindahan hindi lang dahil sa Philippine products na kanilang ibinibenta, kundi dahil sa kanilang restaurant na talaga namang pinupuntahan ng ating mga kababayan.
VARIETY OF PINOY PRODUCTS
Marami silang binibentang Pinoy products. Karamihan sa kanilang mga produkto ay yung mga palaging binibili ng mga Pinoy sa tindahan gaya ng mga de lata, mga pancit canton, mga pinoy chichirya, at iba pa. Meron din silang mga kasangkapan na ginagamit sa pagluluto ng mga pagkain sa Pilipinas.
FROZEN PRODUCTS
Meron din silang mga frozen products gaya ng Tilapia, bangus, danggit, hotdog, at iba pa! Maging ang masarap na Pampanga’s best products gaya ng Tocino at longaniza ay meron din! May original homemade tocino at longaniza din sila na talaga namang espesyal ang lasa!
MONEY REMITTANCE AND BALIKBAYAN BOX SERVICE
Ang Cusina ni Nanay ay Authorized Partner ng MetroRemit Money Remittance. Masisigurado mong tutulungan ka ng mga mababait na staff sa proseso ng pagpapadala.
Bukod dito, nag-ooffer din sila ng Balikbayan box na ready ipadala sa Pinas! Maaring kumonsulta sa kanilang contact number para sa mas detalyadong impormasyon tungkol dito.
CUSINA NI NANAY RESTAURANT
Kilala ang Cusina ni Nanay sa Kariya City hindi lang sa kanilang mga produktong Pinoy, kundi maging ang kanilang masasarap na pagkain sa restaurant. Marami silang iba’t-ibang putahe na talaga namang Pinas na Pinas ang sarap! Pumasok kami at kumain sa loob at talaga namang mapapakain ka ng marami pag kumain ka dito!
Ayon sa owner, marami sa kanilang mga customer ang umoorder ng kanilang best seller na Chicken Inasal. Umorder din kami ng Inasal at UNLI-RICE dito! Bukod as Unli-rice ay pwede kang mag-additional na order sa murang halaga. Meron din silang mga short orders, at silog menus.
Meron din silang halo-halo na talaga namang patok ngayong summer! Tumatanggap din sila ng mga deliveries at mga paluto kaya’t mabuting kumontak sa kanilang facebook account or contact information kung interisado kayo sa kanilang service.
Umorder kami ng Inasal Paa at Inasal Petso. Talaga namang mapapa-extra rice ka sa sarap lalo na kung kumakain ka sa isa sa mga sikat na Chicken Inasal fast food sa Pilipinas dahil kasing sarap ang lasa. Sulit ang aming inorder at umorder pa kami ng Sisig at Barbecue.
Isa sa mas nagpapasarap sa kanilang Inasal ay ang kadahilanan na inihaw talaga nila ito. Kailangan mag-antay ng mahigit 20-30 minutes sa order dahil niluluto ito ng maigi ngunti makakasigurado kang sulit talaga ang iyong pag-hihintay. Karaniwang tumatawag ang mga customer at umoorder bago sila pumunta upang maihaw ng maaga ang kanilang pagkain.
RESTAURANT AMBIANCE
Maaliwalas at maluwag ang kanilang dining area, bukod sa sari-sari store sa tabi, may 20 na upuan para sa mga customer na kakain sa restaurant. Meron din silang free water at free soup sa mga oorder ng masarap na inasal.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT CUSINA NI NANAY
Ang Cusina ni Nanay ay sobrang accessible dahil ang store ay 3 minutong lakad lang mula sa Aizuma Station. Kung mang-gagaling sa Nagoya Station, sumakay lang ng JR Line papuntang Aizuma Station (20 mins travel).
Ang store ay malapit sa Karaoke Joyjoy mula sa station.
CUSINA NI NANAY ADDRESS
CUSINA NI NANAY Kariya City
EVERYDAY 10 AM – 5 AM
S.O.E Schedule: 12 PM – 8 PM
TEL: 0566-24-3703 / 090-9905-0853
〒448-0047 Aichi Prefecture, Kariya City, Takatsunami Town 1-403
Cusina ni Nanay Facebook Page: https://www.facebook.com/cusinaninanaykariya/
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.