Valor Supermarket, magsisimula nang magtinda ng fresh na produkton online sa Aichi Prefecture; pakikipagtulungan sa Amazon
07/01/2021
Kahapon, ika-30 ng Hunyo, ang Valor Holdings at internet shopping giant, Amazon, ay nagsimula ng online selling ng fresh products sa Aichi Prefecture.
Supermarket Valor, to sell fresh food online in Aichi, in collaboration with Amazon
Sa ngayon ay available lamang ang serbisyo na ito sa mga Amazon Prime members na umorder ng fresh na produkto sa Valor supermarket via Amazon website o application, at ang mga produkto ay idedeliver sa mga bahay ng konsumer sa loob ng dalawang oras.
Nag-bukas ng e-commerce store ang Valor sa website at application ng Amazon. Sakop nito ang Nagoya City, at Kiyosu City, at nag-ooffer sila ng libo-libong produkto, kasama na ang mga fresh na pagkain gaya ng gulay, karne, isda, side dish, tinapay, at mga private Valor products.
Sa serbisyong ito, ang mga empleyado ng Valor store ay pipiliin ang mga inorder na items ng mamimili, at kukunin ito ng mga Amazon drivers at idedeliver ito. Ang delivery time ay mula tanghali hanggang alas-10 ng gabi.
Ang serbisyo ay available sa mga orders 2,000 YEN pataas. At ang delivery fee ay 390 YEN, ngunit libre ito kung ang order ay 8,000 YEN pataas.
Sinasabing papalawakin pa nila ang serbisyong sakop ng online store at magsisimula ito sa Aichi Prefecture.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.