Servitu, kilalang Brazilian Supermarket sa Hamamatsu City, Shizuoka
Alam nyo ba na may isang malaking Brazil restaurant at supermarket sa Hamamatsu City, Shizuoka? Kilala ito ng mga lokal na residente sa lugar at talaga namang laging dinadayo.
Ang Servitu Brazil Restaurant and Supermarket, ay isa sa mga kilalang Brazilian store at restaurant sa Hamamatsu City, Shizuoka. Bukod sa napakaaccessible na lugar, maluwag dito at marami silang binibentang iba’t-ibang produkto na talaga namang magugustuhan nyong kainin!
IBA’T-IBANG PRODUKTONG BRAZIL
Maluwag at marami silang section ng Brazil products sa kanilang tindahan. Makakabili ka dito ng mga sangkap sa pagluluto, mga inumin, mga tsitsirya, at marami pang iba!
Meron din silang seksyon na kung saan makakabili ka ng mga produktong Pinoy, Vietnam, Korean at iba pa. Marami din silang Pinoy products na available, maging mga sangkap sa pagluluto at pang-gawa ng mga deserts.
Paminsan-minsan ay nagkakaron din sila ng promo events at sale. Kaya’t mabuting subukan nyong bumisita! Kung namimiss nyo na ang inihaw na manok sa Pinas, lagi silang meron dito!
MEAT SECTION
Mawawala ba naman ang mga karne sa supermarket ng Brazilian stores? May sarili silang meat section corner na kung saan maaari kang magrequest ng cut ng karne na gusto mo o kaya’t makapili ka sa iba’t-ibang parte ng karne na available at fresh!
FROZEN PRODUCTS
Bukod sa fresh meat section nila, meron din silang frozen products section na kung saan makakabili ka ng frozen chicken, pork, beef at fish products! Marami ang pwede mong pagpilian kaya’t convenient talaga dito!
SERVITU RESTAURANT
Bukod sa mga binibenta nilang Brazil at Asian products, meron din silang restaurant area na kung saan makakakain ka talaga ng legit na Brazil foods. Maraming Brazil nationals ang dumadayo sa lugar upang kumain.
TAKE-OUT
Nag-ooffer din sila ng take-out sa mga pagkain nila. Pwedeng mga lutong ulam o kaya mga pang merienda na talaga namang masarap at sulit! Meron din silang Obento meals.
SERVITU AMBIANCE
Maluwag ang kainan nila at lagpas sa 20 katao ang makakaupo upang kumain. Sinisigurado ng lugar na may sapat na distansya ang mga customer para makaiwas sa hawaan.
Meron din silang entablado at nag-sasagawa ng mga events sa lugar. Maaring kumonsulta sa kanilang staff kung interisado sa events.
STORE LOCATION / HOW TO VISIT SERVITU HAMAMATSU
Ang Servitu sa Hamamatsu ay sobrang accessible dahil nasa labas lang ito ng Hamamatsu Station. Maglalakad lamang ng mahigit isa o dalawang minuto mula Hamamatsu Station.
SERVITU STORE ADDRESS
SERVITU HAMAMATSU BRAZIL STORE
EVERYDAY 9AM – 9PM
053-458-8577
〒430-0926 Shizuoka Prefecture, Hamamatsu City, Naka Ward, Sunayamacho 323-5
Servitu Facebook Page: https://www.facebook.com/pages/Servitu/133783113368723
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.