Daongan Nagoya Grocery Store and Kitchen, ang siksik sa paninda na Pinoy store sa Nagoya City
Nakapunta na ba kayo sa isang Philippine store dito sa Japan na palaging siksik sa dami ng tinda? Ang Daongan Nagoya Grocery Store and Kitchen sa Shinsakae, Nagoya City ay nagsimula noong Setyembre 2020 at patuloy na nakikilala sa kanilang mga paninda at sarap ng pagkain. Isa na ito sa nakikilalang Pinoy store sa Aichi Prefecture.
Ang Daongan Philippine store ay orihinal na itinayo sa Mie Prefecture (Daongan Mie), at nagkaroon ng panibagong store sa Nagoya City. Patuloy silang naghahatid ng masasarap na pagkaing Pinoy para sa lahat. Halika at tignan ang kanilang business at alamin ang kanilang mga inooffer.
SIKSIK SA DAMI NG PINOY PRODUCTS
Sa pagpasok palang sa tindahan ng Daongan Nagoya branch ay makikita mo na ang napakaraming Pinoy products na kanilang binibenta. Aktibo sila sa pag-promote ng kanilang mga tinitinda sa kanilang social media accounts kaya naman madami ang dumadayo sa lugar.
Halos lahat ng kailanganin mong produktong Pilipino ay makikita mo na sa kanila. Nariyan ang mga sangkap sa pagluluto, mga de lata, kakanin, at iba pa.
Meron din silang mga pancit canton, at iba pang mga kadalasang binibili ng mga Pilipino sa mga tindahan. At tignan ang kanilang siksik sa dami ng pagpipiliang chichirya!
At depende sa panahon, meron din silang mga napapanahon na pagkain gaya ng singkamas, makopa, at mani. Talaga namang maaalala mo ang buhay mo sa Pinas.
Bukod sa mga nabanggit, nagbebenta din sila ng mga frozen products gaya ng mga isda, ice cream, karne at iba pa. Talagang marami kang mabibili dito sa Daongan Nagoya.
Meron din silang mga nakahandang mga merienda at ready to take-out na mga pagkain kung gusto mo mag-uwi sa inyong bahay.
DAONGAN KITCHEN RESTAURANT
Ang Daongan Nagoya ay hindi lang dinadayo dahil sa kanilang tindahan, kundi maging ang kanilang Philippine cuisine restaurant o tinatawag nilang Daongan Kitchen.
Mula 11 AM hanggang 7:15 (Last order) ay tumatanggap sila ng mga customer na kakain sa restaurant. Iba’t-iba ang kanilang potahe kada araw kaya’t makakasigurado ka na hindi ka mag-sasawa sa pagkain dito!
Nagpapalit sila ng menu paminsan-minsan at malalaman mo ang update ng kanilang pagkain sa kanilang social media. Ang kanilang kainan ay tumatanggap ng mahigit 32 katao na pwedeng kumain ng sabay-sabay. Malinis dito at maeenjoy mo talaga ang iyong pagkain.
Bukod sa karinderiya ay meron din silang Bilao patulo service na kung saan maaari kang magrequest ng paluto kay Chef Boy Flores. Sulit talaga ang mga paluto sa kanila at makikita mo talaga ang ganda ng preparasyon ng pagkain.
Meron din silang delivery service o demae, na kung saan kung 3000 YEN pataas ang order mo ay libre na ang delivery charge. Maaring kumonsulta sa kanilang numero sa baba kung paano pipickupin ang mga order at ang proseso.
DAONGAN AMBIENCE
Maaliwalas ang Daongan Nagoya at maluwag sa loob ng kanilang tindahan. Sinisigurado din ng kanilang mga staff na mapanatili ang kalinisan sa lugar.
Mababait ang kanilang mga staff nang ako ay pumunta bilang isang customer. Masayahin sila at tutulungan ka sa inyong mga katanungan.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT DAONGAN NAGOYA
Napakaaccessible ng Daongan Nagoya, bumaba ka lang sa Shin Sakaemachi station at maglakad ng mahigit 5 minuto. Halos isang diretso lang ang kailangan lakarin at isang liko bago makarating sa tindahan.
DAONGAN NAGOYA ADDRESS
DAONGAN NAGOYA Grocery Store & Kitchen Nagoya City
MON-SUN 11:00 – 20:30 (CLOSED EVERY TUESDAY)
TEL: 052-684-4206
〒460-0007 Aichi Prefecture, Nagoya City, Naka Ward, Shinsakae, 2-8-18 City Arc Shinsakae 1F
Daongan Nagoya Facebook Page: https://www.facebook.com/daongan.nagoya
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.