Bakit mas malakas ang side effect ng 2nd dose? Ano ang maaaring side effect ng Pfizer at Moderna?
08/05/2021
Sa kasalukuyan, wala paring senyales na patapos na ang pagkalat ng coronavirus sa mundo.
Bakit nga ba mas malakas ang reaksyon ng isang pasyente matapos maturukan ng ikalawang dose ng bakuna?
Ayon kay Dr. Takashi Matono, Director ng Department of Infectious Diseases, dahil tinuturok ang bakuna sa muscle ng tao, normal na nagpapakita ito ng pasa at normal din na makararamdam ng kaunting pagkasakit sa lugar na naturukan.
Hindi ito dahil sa reaksyon sa bakuna, kundi nakararamdam ng sakit ang isang pasyente dahil naturukan siya sa mismong muscle. Depende parin ito sa tao, ngunit sinasabing nasa 60% hanggang 80% ang makakaramdam ng pagsakit at pagpasa. Huwag matakot dahil ito ay normal at gagaling din pagkalipas ng ilang araw.
Ang iba pang reaksyon ng katawan, gaya ng lagnat, pagkasakit ng katawan, at pagkabigat sa pakiramdam ay normal na nararanasan sa ikalawang dose ng bakuna.
Ang unang dose ay nagbibigay ng mahigit 70% na immunity sa katawan. At ang ikalawang dose naman ay nagbibigay ng 94-95% na immunity at mas matagal ang epekto. Tinatawag na itong booster, at dahil ang ikalawang shot ay mas epektibo, mas malakas din ang magiging reaksyon sa katawan ng isang pasyente.
Depende parin ito sa edad ng taong tatanggap, ngunit sinasabing 10% sa 65-taon gulang pataas ang nakakaranas ng pagkalagnat, 30-40% naman sa mga taong nasa 30 hanggang 40-taon gulang.
Ngunit, ang pagkalagnat at pagkabigat sa pakiramdam ay karaniwang nararanasan sa sumunod na araw matapos makatanggap ng bakuna, at hindi ito magtatagal ng ilan pang araw dahil mawawala din ito.
News Source: Yahoo! Japan News
Para sa iba pang kaalaman tungkol sa virus at kung papaano maiiwasan ito, i-click lang ang larawan na ito para sa artikulo.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.