Bless Philfuds Kani, ang pinagpalang Pinoy store sa Kani, Gifu
Kung titignan ang datos, ang Gifu Prefecture ang pinakamaraming Pilipino sa buong Japan. Partikular na ang Kani City at Minokamo City na isa sa pinakamaraming populasyon ng Pilipino.
Ang Bless Philfuds Kani ay isa sa mga kilalang Philippine store sa Kani City. Nagsimula ito anim na taon na ang nakalipas, at patuloy itong lumalaki at nakikilala sa lugar. Halika at bisitahin natin ang kanilang tindahan!
MURA AT MARAMING PAGPIPILIANG PRODUKTONG PINOY
Kilala na ang Bless Philfuds sa Kani City, hindi lang dahil sa mabait nitong owner, kundi dahil sa dami ng produktong binibenta nila na galing pang Pinas. Mula sa mga palaging kinakaing tsitsirya ng mga Pinoy, hanggang sa mga de lata, biskwit, merienda, at marami pang iba.
Merong maliit na seksyon na kung saan makikita mo ang dami ng mga sangkap sa pagluluto gaya ng paminta, mama cita powder mix, ketchup, mga pang fruit salad, at iba pa. Halos andito na lahat ng kailangan mo upang makagawa ng masarap na Philippine foods.
Nagbebenta din sila ng mga supplements at pampapayat. Maging mga pagkaing laging binibili ng mga bata. Marami talagang mapagpipilian dito at sigurado mapapabili ka pag bumisita ka.
FROZEN PRODUCTS
Meron din silang mga frozen products. Maging mga tinapay gaya ng pandesal ay meron din, maging mga pampanga’s best na produkto ay mabibili mo din sa kanila.
BEAUTY PRODUCTS
Madami din silang mga binibentang beauty products na talaga namang binabalik-balikan ng mga Pilipino dahil karaniwan itong wala sa mga tindahan dito maging sa ibang Philippine store.
May lotion, shampoo, conditioner, deodorant, at iba pang produktong galing pang Pilipinas.
STORE LOCATION AND HOW TO BLESS PHILFUDS KANI
Ang Bless PhilFuds ay sobrang accessible dahil malapit lang ito sa station. Mula Nihonrain-Imawatari Station, maglalakad lamang ng 5 minuto at makakarating ka na sa tindahan.
BLESS PHILFUDS ADDRESS
BLESS PHILFUDS KANI CITY
EVERYDAY 9:00 – 21:00
TEL: 0574-49-9913
〒509-0207 Gifu Prefecture, Kani City, Imawatari 2139
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.