Sally’s Tambayan Restobar, ang masarap na, mura pang kainan sa Numazu Shizuoka!
Namimiss nyo na ba ang pagkaing Pinoy dito sa Japan? Dito sa Numazu City sa Shizuoka Prefecture, nadiskubre namin ang isang Philippine restaurant na talaga namang binabalik-balikan ng mga kumakain dito.
Ang Sally’s Tambayan Restobar sa Numazu City ay nagsimula noong February 28, 2021 at patuloy parin silang naghahatid ng masasarap na Pinoy cuisines sa mga ating mga kababayan at iba pang lahing gustong makakain ng Pinoy foods!
SALLY’S TAMBAYAN RESTOBAR TABEHOUDAI
Kilala ang kanilang tabehoudai (eat-all-you-can) sa Numazu dahil bukod sa masasarap ang kanilang mga handa, talaga namang mapapakain ka palagi dahil mura ang bayad bawat isang tao. Nasa 1,300 YEN lang ang tabehoudai nila kada isang tao. Ang TABEHOUDAI nila ay tuwing Sabado at Linggo.
Iba’t-iba ang mga pagkaing niluluto nila kaya’t makakasigurado ka na makakain ka ng iba’t-ibang potahe kada punta. Tara na at kumain sa kanila!
SHORT ORDERS
Meron din silang mga short orders kapag hindi araw ng tabehoudai. Sa aming pagbisita ay sinubukan namin ang kanilang ‘silog’ menu at talaga namang hindi kami nagsisi sa aming napili. Tuwing Monday – Friday ang kanilang short order day.
Bukod sa magandang plating ng pagkain, masarap at talaga namang sulit ang bayad. Halos nasa 550 YEN lang ang kinain naming isang short order ng longsilog.
DELIVERY AND CATERING
Nag-ooffer din ang Sally’s Tambayan Restobar ng Delivery service para sa mga maramihang orders sa kanila. Kaya’t kung nahihirapan pumunta ang ating mga kababayan sa kanilang store dahil sa pandemya, ay tumatanggap naman sila ng delivery.
Meron din silang catering services at karaniwang isinasagawa sa Sally’s Tambayan Restobar ang mga birthday celebrations. Maganda ang lugar para sa mga events at talaga namang mag-eenjoy ang mga bisita.
PHILIPPINE PRODUCTS STORE
Bukod sa masasarap nilang pagkain, meron din silang pwesto ng Philippine store sa loob. Pumupunta ang mga customer dito hindi lang para kumain kundi para bumili narin ng Philippine products. Meron din silang mga pang meriendang mga benta gaya ng Biko, kutsinta at iba pa. Depende ito sa araw.
RESTAURANT AMBIENCE
Malinis at maganda ang kanilang restaurant. Nasa mahigit 15-10 katao ang maaaring kumain ng sabay-sabay sa lugar. Meron din silang Karaoke sa loob kaya’t mapapatambay ka talaga.
Sinisigurado ng Sally’s Tambayan Restobar ang kaligtasan ng mga customer kaya’t nag-sasagawa sila ng mga hakbang sa pagpigil sa pagkalat ng virus.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT SALLY’S TAMBAYAN RESTOBAR
Ang Sally’s Tambayan Restobar ay 10 minutes drive mula Mishima-Hirokoji Station at 10 minutes drive mula sa Numazu Station. Madaming kainan sa lugar at madaling matandaan ang kanilang store dahil nasa sulok ito.
Ang restaurant ay malapit sa ABC Shimizu Nagasawa branch pachinko parlor.
SALLY’S TAMBAYAN RESTOBAR ADDRESS
SALLY’S TAMBAYAN RESTOBAR Numazu City
TUESDAY-SUNDAY 11 AM – 10PM
TEL: 055-950-9546
〒411-0905 Shizuoka Prefecture, Numazu City, Shimizu Town, Nagasawa 136-1
Sally’s Tambayan Restobar Facebook Page: https://www.facebook.com/sallystambayan/
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.