New Nanay’s Kusina Philippine Restaurant Kani City
Gusto mo ba ng masarap at affordable na Philippine foods? Ang New Nanay’s Kusina ay nagsimula pa noong February 28, 2019 sa Kani City at patuloy itong nakikilala sa bilang isa sa mga authentic Filipino restaurant. Tignan natin ang kanilang restaurant at alamin ang kanilang mga serbisyo.
NEW NANAY’S KUSINA RESTAURANT
Ang isang ala carte na order ay nasa halagang ¥1,200 per order na kasya na sa dalawang katao. Marami pa silang pagkain na handa sa kanilang menu, maging desserts at breakfast meals.
Picture palang, mukha na talagang masarap diba? Paiba-iba ang kanilang mga handa at depende din ito sa araw.
SHORT ORDERS
Meron silang mga short orders o paluto. Kilala na ang New Nanay’s Kusina sa Kani City kaya’t regular na nagkakaroon sila ng mga short orders gaya ng Chicken & Spaghetti for ¥500, kung minsan naman ay Palabok & Chicken at iba pa. Affordable ang mga short orders nila at mabilisan itong nasosold-out.
Dahil sa pandemya, dumami na ang kanilang mga short orders. Maaring tignan ang kanilang official Facebook page para makita ang kanilang mga pagkain.
NEW NANAY’S KUSINA TAKE OUT & DELIVERY
Bukod sa short orders ay meron din silang mga take-out & delivery services. Kung sa Kani City ang delivery ay nasa ¥300, at kung sa Minokamo City naman ay nasa ¥500.
RESTAURANT AMBIENCE
Maaliwalas at malinis ang loob ng kanilang restaurant. Sinisigurado ng mga owners ang kaligtasan ng mga customer nila kaya’t lagi silang handa sa mga alcohol at paglagay ng mga harang para makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng virus.
Nasa mahigit 15-20 katao ang maaaring kumain sa loob ng kanilang restaurant. Meron din silang Karaoke sa loob kaya’t para ka talagang nasa Pilipinas.
EVENT RENTALS & CATERING SERVICES
Ang lugar ay maaari ding rentahin dahil nagsasagawa din sila ng mga birthday party. Birthday parties, Debut, at kahit ano pang selebrasyon, sagot ka ng New Nanay’s Kusina!
Meron din ang New Nanay’s Kusina ng catering services. Karaniwan sila ang nagluluto sa mga Pilipinong okasyon na meron sa Kani City. Maaring kumonsulta sa kanila kung gustong magtanong tungkol sa kanilang catering services.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT NEW NANAY’S KUSINA
Ang New Nanay’s Kusina ay malapit sa Kani Station at Shin-Kani Station. Nasa 3 minuto lang na paglalakad ang layo ng lugar kaya’t accessible talaga ito.
NEW NANAY’S KUSINA ADDRESS
NEW NANAY’S KUSINA Kani City
TUES – SUN 6PM – 10PM
TEL: 0574-49-8680 | Ms. BLESS 080-3649-7301 | Ms. ANGGA 080-3639-9697
〒509-0214 Gifu Prefecture, Kani City, Hiromi 3-62
New Nanay’s Kusina Facebook Page: https://www.facebook.com/profile.php?id=100057222859002
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.