Ihaw Ihaw Restaurant Toyohashi, ang sikat na Philippine Restaurant sa Toyohashi City
Nakakain ka na ba sa isang Philippine Restaurant na mukhang kastilyo sa ganda? Dito sa Ihaw Ihaw Restaurant sa Toyohashi City, di ka lang mapapa-wow sa ganda ng lugar, mapapa-wow ka din sa sarap ng kanilang mga pagkain! Halina at alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa restaurant na’to at subukan nyo ring puntahan.
IHAW IHAW RESTAURANT PHILIPPINE STORE
Ang Ihaw Ihaw Restaurant sa Toyohashi City ay hindi lang restaurant, kundi isa ding Philippine Store! Marami silang produktong Pinoy na laging available kaya’t makakasigurado kang makakabili ka ng kailangan mo sa iyong pagluluto, o Pinoy food cravings gaya ng tsitsirya, de lata, palaman sa tinapay, mga sangkap sa pagluluto at iba pa!
IHAW IHAW RESTAURANT TOYOHASHI
Ang Ihaw Ihaw Restaurant Toyohashi ay mahigit 12 taon nang naghahadog ng masasarap na Philippine foods sa ating sa kababayan sa Toyohashi City. Kilalang kilala na ito sa lugar ng mga kababayan natin at talaga namang dinadayo ang restaurant di lamang sa sarap ng pagkain, kundi sa ganda din ng lugar.
Tuwing Tuesday hanggang Friday ay meron silang Lunch Menu na sa halagang ¥800, ay makakakain ka na ng 2 potahe. Karaniwang dinadayo ito ng ating mga kabayan tuwing lunch time dahil mura at masarap ang kanilang handa.
Mahigit 25 katao ang maaaring mag-dine-in sa lugar at tuwing may event ay nag-hahanda pa sila ng mas maraming pwesto para makakain. Meron din silang Karaoke sa loob ng kanilang restaurant para sa mga taong gustong kumanta.
Food presentation palang katakam-takam na diba? Halika na at puntahan ang Ihaw Ihaw Restaurant sa Toyohashi City!
DELIVERY AND TAKE-OUT
Meron din ang Ihaw Ihaw Restaurant Toyohashi ng delivery at take-out services. Bukod sa mga short-order ay nagbebenta din sila ng mga to-go na mga pagkain kaya’t OK na OK ito sa mga gusto lamang ng take-out.
CATERING AND EVENT SERVICES
Bukod sa kilala ang kanilang restaurant, kadalasan din nagkakaron ng event sa kanilang lugar dahil meron din silang catering and event services. Karaniwang isinasagawa ang mga birthday parties, debut, at iba pang mga selebrasyon sa kanilang lugar dahil sa luwag at ganda ng kanilang garden event venue.
Handa talaga sila at talaga namang maganda ang preparasyon ng kanilang catering at food presentation. Maaring kumonsulta sa kanilang social media account kung interesado sa kanilang events.
IHAW IHAW RESTAURANT AMBIENCE
Pagdating palang sa entrance ay magagandahan ka na sa mala-kastilyong disenyo. Pagkapasok sa loob ay sasalubungin ka kagad ng mga Philippine products at mababait nilang staff.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT IHAW IHAW RESTAURANT TOYOHASHI
Ang Ihaw Ihaw Restaurant Toyohashi ay 10 minuto ang layo mula Koike Station kung magkokotse. Madaling makita ang lugar dahil mukhang kastilyo ang entrance ng gusali at kapansin-pansin ito.
IHAW IHAW RESTAURANT TOYOHASHI ADDRESS
IHAW IHAW RESTAURANT Toyohashi City
TUES-SUN 12:00PM – 12:00AM (CLOSED EVERY MONDAY)
TEL: 0532-21-9163 | PHONE: 080-9118-7021
〒441-8113 Aichi Prefecture, Toyohashi City, Nishimiyuki-cho, Miyuki 15-3
Ihaw Ihaw Restaurant Toyohashi Facebook Page: https://www.facebook.com/maylen.igarashi
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.