Mahigit 130,000 na cashless payment ng LINE account, na-leak!
12/08/2021
Inanunsyo ng Line Corporation na mahigit 130,000 payment data ng user accounts ng LINE Pay corporation smartphone app sa Japan at abroad ang sinasabing na-leak ng mahigit dalawang buwan hanggang Nobyembre ngayong taon.
Data of 130,000 accounts on Line cashless payment app leaked (Kyodo News)
Sinabi ng Line Pay noong Lunes na aksidenteng na-upload ng group firm ang impormasyon ng mga users at naging available sa publiko ang datos mula Setyembre 12 hanggang Nobyembre 24. Kasama na sa naisiwalat na datos ang mga payment details, araw at oras kung kailan nagsagawa ng mga campaign mula Disyembre 2020 hanggang Abril 2021, ngunit sinisigurado ng kompanya na hindi na-disclose ang ibang datos gaya ng user name, address, o credit card number.
Bagamat wala pang natatanggap na reklamo ang kompanya dahil sa leak na naganap, posibleng matukoy ang mga user gamit ang isang special analysis, sabi ng Line Pay.
Dagdag pa ng kompanya na nakumpirma nila ang 11 na kaso na kung saan nakatanggap ng warning ang mga user na mag-ingat sa mga scammers.
“Humihingi kami ng paumanhin sa mga posibleng pinsala na naidulot ng leak”, sabi ng isang staff.
Ang Line Pay ay ginagamit bilang isang e-wallet para makapagpadala ng pera sa bawat isa, o kaya gamitin ito na pambili online, o ipambayad sa mga tindahan o restaurant.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.