Maruyaki Philippine and Japanese cuisine restaurant sa Kuwana City, Mie Prefecture
Namimiss mo na ba kumain sa isang Pinoy restaurant? Yung lugar na may ihawan sa tabi at amoy na amoy ang bango ng ihaw. Dito sa aming bagong nadiskubreng restaurant, di lang Pinoy na Pinoy ang lugar, maging ang sarap ng mga pagkain ay talaga namang da best!
Ang Maruyaki Philippine and Japanese cuisine restaurant sa Kuwana City, Mie Prefecture ay isa sa mga nakikilalang Philippine restaurant sa Mie prefecture. Nagsimula ito noong July 2021, at patuloy silang nakikilala sa lugar.
Halina at ating tignan ang kanilang mga pagkain at alamin ang kanilang mga serbisyo!
MARUYAKI PHILIPPINE & JAPANESE RESTAURANT
Litrato palang, talagang matatakam ka na! Kilala ang Maruyaki Philippine restaurant sa Kuwana City bilang isang authentic Pinoy restaurant sa lugar. Madami silang iba’t-ibang menu at nagpapalit sila paminsan-minsan. Meron din silang mga Japanese menu kaya’t madami ka talagang pagpipilian.
Karaniwan sa menu nila ang ihaw-ihaw na luto gaya ng Lechon manok, at Lechon baboy. Meron silang mga pancit, kaldereta, sisig, lumpia, at iba pang masasarap na Pinoy na ulam.
Maging desserts gaya ng Halo-halo, biko, at iba pang pang merienda ay meron din! Pinapayuhan ang mga pupunta na magpa-reserve lalo na kung Sabado at Linggo dahil may mga pagkakataon na puno ang restaurant at baka walang mapwestuhan.
MARUYAKI IHAW-IHAW
Isa sa mga main menu ng Maruyaki ang kanilang ihaw-ihaw. Meron silang Lechon belly na nasa ¥3500+tax for DINE IN and TAKE OUT, Lechon Manok, at iba pa. Nirerekomenda na mag-pareserve sa kanila dahil limitado ang ginagawa nila kada araw sa dami ng mga umoorder.
Nakakatakam diba? Tara at kumain sa Maruyaki! Makikita mo talaga ang pagluluto nila at talaga namang maaamoy mo ang mga ihaw-ihaw nila!
TABEHOUDAI
Ang Maruyaki ay mayroong Tabehoudai eat-all-you-can service tuwing ika-10 ng buwan. Nasa ¥1,100 kada tao ang tabehoudai na good for 1 hour. Tumatanggap din sila ng reservations dahil karaniwang busy at madaming tao sa lugar.
May kasama pang Karaoke at free coffee corner ang tabehoudai service nila! Talaga namang pinupuntahan ito ng marami.
TAKEOUT, CATERING AND RENTAL SERVICES
Meron din silang take-out service para sa mga gustong makakain ng lutong Maruyaki. Karaniwang take-out nila ang inasal, at mga merienda. Tumatanggap din sila ng catering services, o mga paluto.
Meron silang mga party platters, at tumatanggap din sila ng mga paluto para sa mga birthday party, debut, binyag.
Pwede din rentahan ang lugar para sa mga selebrasyon. Tumatanggap sila ng rental service tuwing Miyerkules. Ngunit maaaring kumonsulta sa kanila para sa mas detalyadong impormasyon.
DELIVERY AND BALIKBAYAN BOX
Meron ding delivery service ang Maruyaki Philippine restaurant! Maraming umoorder ng mga ihaw-ihaw at dinedeliver nila ito nationwide! Nasa ¥500 ang presyo ng delivery sa Kuwana City, ¥1000 naman sa Yokkaichi area, at takyubin (Yamato) ang gagamitin na delivery sa ibang lugar.
Sila ay partner ng Chenvel Services Inc. sa mga balikbayan box service nila. Malaking tulong ito sa ating mga kababayan na gustong magpadala ng malalaking boxes sa Pilipinas. Maaring kumonsulta sa kanila tungkol dito.
PHILIPPINE PRODUCTS STORE
Bukod sa kanilang restaurant, meron din silang Philippine grocery store corner na kung saan pila-pila ang mga Philippine products. Meron silang mga sangkap sa pagluluto, mga tsitsirya, de lata, at iba pang karaniwang binibili ng mga Pinoy sa Pinas.
FROZEN PRODUCTS
Meron din silang mga frozen products gaya ng ating Pure Foods hotdog, meron din mga frozen fish, tilapia, longanisa, at iba pa!
RESTAURANT AMBIENCE
Maluwag ang kainan sa loob ng Maruyaki. Halos nasa 20-30 katao ang pwedeng kumain sa loob. Maaliwalas ang lugar at para ka talagang nasa Pinoy restaurant dahil sa mga dekorasyon.
Halos 4-5 sasakyan ang maaaring mag-park sa restaurant tuwing Sabado-Linggo, at may coin parking na malapit sa lugar.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT MARUYAKI
Ang Maruyaki Philippine restaurant ay accessible at madaling puntahan. Mula Masuo Station, maglalakad lang ng 5-10 minutos at matutunton na ang restaurant. Madaling tandaan ang lugar dahil sa natatanging entrance nito na pang Pilipinas ang dating.
MARUYAKI ADDRESS
MARUYAKI PHILIPPINE RESTAURANT Kuwana City
MON 17:00 ~ 22:00 | TUES-FRI 12:00 – 22:00 | SAT-SUN 12:00 – 23:00
CLOSED EVERY WEDNESDAY
TEL: 0594-73-3933 | 080-7461-6583
〒511-0057 Mie Prefecture, Kuwana City, Mitsuyabashi 39-12
Maruyaki Facebook Page: LINK
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.