Alisha’s Grill and Restaurant, masarap na, mabilis na serbisyo pa sa Kitanagoya City, Aichi Prefecture!
Alam nyo ba na may family-friendly casual dining Philippine restaurant sa Kitanagoya na patuloy na nakikilala ng marami?
Ang Alisha’s Grill and Restaurant sa Kitanagoya City, Aichi Prefecture ay nagsimula pa noong Enero 3, 2019, at patuloy silang naghahandog ng masasarap at affordable Philippine dishes sa Japan. Authentic Philippine ingredients ang kanilang ginagamit para mapakita sa lahat ang tunay na lasang Pinoy.
Sama-sama nating tignan ang alamin ang meron sa kanilang restaurant, tara at kumain!
ALISHA’S GRILL AND RESTAURANT ASIAN FOOD SHOP
Hangad ng Alisha’s Grill and Restaurant na makilala ang pagkaing Pinoy di lang sa mga Japanese nationals kundi maging sa iba pang mga lahi. Maipagmamalaki talaga ang kanilang mga pagkain at pang pamilya pa!
Sinubukan namin ang kanilang sisig, at talaga namang nakakamiss makakain ng lutong Pinoy. Gumagamit ang sila ng mga ingredients na galing pang Pilipinas dahil gusto nilang ihandog sa mga customer nila ang authentic Philippine foods at di ka talaga mabibigo sa mga pagkain nila.
ALISHA’S GRILL MENU
Kilala ang Alisha’s Grill hindi lang sa kanilang iba’t-ibang menu, kundi pati sa kanilang ihaw-ihaw menu! Marami silang Inasal meals, at BBQ meals na pasok na sa budget, talagang lasang Pinoy pa! Sinubukan namin ang kanilang Lunch set na 2pcs Inasal, 4pcs BBQ and 2 cups ng rice.
Sobrang sulit at busog na busog kami dahil mapaparami ka talaga ng kain. Napa-extra rice pa kami sa sarap. Bagay na bagay ito kung may kasama ka at gusto niyong makakain ng inihaw!
Patok na patok ang kanilang Lechon Manok at Lechon Belly! At talagang matatakam ka~
ALISHA’S CAKES
Bukod sa mga grill at iba pang pagkaing Pinoy, kilala rin ang Alisha’s Grill and Restaurant sa kanilang home-made cakes. Mala-Red Ribbon ang itsura ng kanilang mga cakes at siguradong masarap ang mga ito.
Ang nakakabilib dito ay maging ang owner ay kasali sa pag-gawa ng mga cakes. Home-made ang mga cakes nila at bagay na bagay ito sa mga birthday celebrations at iba pa na nais makakain ng cake na atin nang nakasanayan sa Pinas. Marami silang iba’t-ibang klase ng cakes at kailangan i-order ng mas maaga ang mga cakes kung nais magpagawa.
iClick lang link para sa article tungkol sa kanilang cakes: https://jn8.jp/ph/topics_list/8583/
DELIVERY AND TAKE-OUTS
Tumatanggap din sila ng delivery at ready for take-out foods. Kaya’t kung nag-ccrave ka makakain ng Pinoy food, pumunta ka lang sa Alisha’s dahil mabilis ang kanilang serbisyo. Sinisigurado nila na malinis at maganda ang packing nila upang maihatid sa mga customers.
CATERING AND RENTALS
Meron din silang event rental and catering services. Nag-hohost sila ng lugar para sa mga gustong mag-celebrate ng birthday party, debut, family gathering at iba pang selebrasyon.
At ngayong 2022 ay plano nilang mag-simula ng catering services! i-Follow ang kanilang social media accounts para maging updated sa kanila!
ALISHA’S PHILIPPINE PRODUCTS STORE
Bukod sa kanilang restaurant, pagpasok palang sa entrance ay makikita mo na ang mga Pinoy products na nakalinya sa kanilang Philippine store corner. Iba’t-iba ang kanilang mga ibinibenta at karaniwan sa mga ito ay mga bagay at pagkain na palaging binibili ng mga ating kababayan.
RESTAURANT AMBIENCE
Maganda ang ambience ng Alisha’s Grill and Restaurant. Para kang nasa isang fine dining na lugar, mababait at sobrang galang ng kanilang mga staff. Malinis at malaki ang space sa loob at sinisigurado ng lugar na ligtas ang kanilang mga customers sa virus.
Nasa mahigit 26 katao ang maaring mag-dine-in sa lugar ngunit nirerekomenda ng owner na magpa-reserve kung sakaling pupunta upang maiwasan ang paghihintay lalo na tuwing weekends dahil marami ang pumupunta sa lugar.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT ALISHA’S GRILL
Ang Alisha’s Grill and Restaurant ay accessible dahil malapit lang ito sa train station. Mula Nishiharu station ay 5 minuto ang layo gamit ang sasakyan. Nasa halos 4 na sasakyan ang pwedeng mag-park sa lugar dahil malawak ang kanilang parking area.
ALISHA’S GRILL AND RESTAURANT ADDRESS
ALISHA’S GRILL AND RESTAURANT Kitanagoya City, Aichi
MON ~ FRI 11:00 ~ 19:00 | SATURDAY 10:00 – 20:00
CLOSED EVERY SUNDAYS
TEL: 0568-70-5786
〒481-0042 Aichi Prefecture, Kitanagoya City, Nozaki, Inuide 55
Alisha’s Grill and Restaurant Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.