Katutubo Philippine Restaurant sa Iwakura City, masarap na at Instagrammable pa!
THIS STORE HAS PERMANENTLY CLOSED
Alam nyo ba na may masarap at instagrammable Pinoy restaurant sa Iwakura City? Dito sa Katutubo Philippine Restaurant, di lang maganda ang presentation ng mga pagkain, kundi masarap at talaga namang babalik-balikan!
Nagsimula ang Katutubo Philippine Restaurant noon pang April 21, 2019, at patuloy itong naghahanda ng masasarap na Philippine foods hindi lang para sa ating mga kababayan, kundi para din sa mga dayuhan at mga hapon na gustong matikman ang sarap ng pagkaing Pinoy.
Halika at tignan natin ang kanilang Restaurant x Sari-sari store!!!
KATUTUBO PHILIPPINE RESTAURANT
Maraming masasarap na handa ang Katutubo Philippine Restaurant, sa litrato palang ay matatakam ka na! Ang Kare-kare, Bagnet, Bulalo at BBQ ay ilan lamang sa kanilang mga best sellers! Sinubukan namin ang kanilang kare-kare at binagoongan nang bumisita kami sa lugar at talaga namang sulit ang pagkain sa sarap!
Litrato palang, pang instagram na diba! Subukan nyo narin kumain dito~
Isa pa sa mga kilalang pagkain nila ang kanilang Halo-halo! Home-made ang masarap na ice cream nito at punong-puno ng sangkap! Seasonal ang kanilang halo-halo at karaniwan nilang hinahanda tuwing summer~
KATUTUBO TABEHOUDAI EAT-ALL-YOU-CAN
Isa sa kilalang serbisyo ng Katutubo ang kanilang Tabehoudai eat-all-you-can service! Isang beses sa isang linggo sila nag sasagawa ng tabehoudai at nasa 1,350 yen ang presyo kada isang tao na good for 60 minutes.
Marami silang potahe sa kanilang tabehoudai at talaga namang masusulit mo ang iyong kain sa sarap ng kanilang mga handa.
Meron din silang mga home-made desserts na talaga namang ineenjoy ng mga customers matapos ang pagkain ng mga masasarap na Pinoy dishes. Merong Leche flan, Buko Pandan, Macarons, Yema Cake, Fruit Salad, at iba pa! Meron din silang original home-made ice cream na natikman namin at talagang naka-ilang kain kami~
DELIVERY AND TAKE OUT SERVICES
May Delivery services ang Katutubo Philippine Restaurant. Pwedeng umorder sa kanila ng delivery galing sa Didi Food at Demae Can application. i-Download lang ang mga application na ito at subukang umorder sa kanila!
Meron din silang mga ready to take-out foods na karaniwan nilang binibenta sa Mang Colas x Katutubo store. May mga lutong ulam o kaya nama’y merienda na ready to take-out sila at paiba-iba ito depende sa araw.
CATERING AND EVENT SERVICES
Tumatanggap din ang Katutubo Philippine Restaurant ng mga caterings o mga paluto. Garantisadong masarap ang mga pagkain dito kaya’t madalas silang gumagawa ng mga maramihang orders. Tumatanggap din sila ng event services kung maraming tao ang gustong kumain sa kanilang lugar para sa mga selebrasyon.
Maaring kontakin ang kanilang official facebook page para sa mga katanungan.
RESTAURANT AMBIENCE
Ang loob ng restaurant ay sobrang maaliwalas at mararamdaman mo ang Philippine vibes. Malinis at sinisigurado ng management na ligtas ang mga customer nila sa pandemya kaya’t naghanda rin sila ng mga disinfectant at temperature scanner sa loob. Open kitchen ang disenyo ng restaurant kaya’t makikita mo talaga ang pagluluto at kalinisan na parang kagaya sa mga Japanese restaurant.
Nasa 16 katao ang maaaring mag dine-in, at kung minsan ay naglalagay sila ng lamesa at upuan sa labas upang makakain pa ang dagdag 20 katao.
MANG COLAS X KATUTUBO PHILIPPINE STORE
Sa tabi ng restaurant ay makikita kaagad ang Mang Colas x Katutubo Philippine store. Siksik ito sa dami ng produkto at makikita mo ang hinahanap mo dahil halos lahat ay meron!
iClick lang ang link na ito para sa artikulo tungkol sa restaurant:
https://jn8.jp/ph/topics_list/8794/
HOW TO VISIT KATUTUBO IWAKURA PHILIPPINE RESTAURANT
Ang Katutubo Philippine Restaurant sa Iwakura City ay accessible at madaling mapuntahan. Mula Iwakura Station ay 5 minuto lang ang layo kung pupunta ng naka kotse, at 13 minutos ang layo kung lalakarin.
Katabi ito ng Nafuco Fujiya Supermarket. Maluwag ang complex at maraming parkingan kaya’t makakasigurado ka na may mapupwestuhan ang iyong sasakyan.
KATUTUBO PHILIPPINE RESTAURANT ADDRESS
KATUTUBO PHILIPPINE RESTAURANT Iwakura City, Aichi
MON ~ SAT 11:00 ~ 20:00 | SUNDAY 11:00 – 19:00
State of Emergency Schedule: 12:00~20:00
CLOSED EVERY WEDNESDAYS
TEL: 0587-22-8262
〒482-0001 Aichi Prefecture, Iwakura City, Higashi Shin Machi, Kamano Kuchi Iwakura Danchi 1-163-6
Mang Colas x Katutubo Philippine Store Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Mang Colas x Katutubo Philippine Store
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.