Mang Colas x Katutubo Philippine Store, ang one-stop Pinoy store ng Iwakura City!
Dito sa nadiskubre naming Philippine store sa Iwakura City, halos lahat na ng kailangan mo na Pinoy product ay andito~
Nagjoint-venture ang Katutubo Philippine restaurant sa Mang Colas Philippine store at tinawag na itong Mang Colas x Katutubo Philippine Store. Nagsimula ito noong Marso 21, 2020 at kasalukuyan paring nag hahatid ng iba’t-ibang Pinoy products dito sa Japan!
Halika at tignan natin ang kanilang Restaurant x Sari-sari store!!!
MANG COLAS X KATUTUBO PHILIPPINE PRODUCTS
Dito sa Mang Colas x Katutubo Philippine Store, pila-pila ang napakaraming Philippine products! Halos lahat na ng karaniwang binibili sa Pilipinas ay meron dito~ Mayrong mga sangkap sa pagluluto, mga tsitsirya, beauty products, mga de lata, at iba pang namimiss mo na sa Pinas!
FROZEN PRODUCTS
Bukod sa mga produktong Pinoy, meron din silang mga frozen imported products, may mga isda, mga frozen meat, maging mga ice cream desserts at mga merienda ay meron din dito!
Meron din silang mga desserts at merienda na ready for take out! Maging ang saging na saba ay meron din para sa mga gustong gumawa ng bananacue o minatamis na saging!
MONEY REMITTANCE
Ang Mang Colas x Katutubo Philippine Store ay isang Authorized Partner ng Western Union sa kanilang money remittance services. Maraming dayuhan ang pumupunta sa lugar upang magpadala sa kanilang mga mahal sa buhay sa ibang bansa at matulungin ang kanilang staff!
CARGO BOX BALIKBAYAN SERVICE
Bukod sa iba’t-ibang serbisyo, meron din silang balikbayan box cargo service na tamang-tama para sa mga kababayan natin na gustong magpadala ng malalaking cargo sa Pinas. Maaring kumonsulta sa kanila upang magtanong tungkol sa kanilang cargo services.
KATUTUBO PHILIPPINE RESTAURANT
Sa tabi ng Mang Colas x Katutubo Philippine Store ay ang Katutubo Philippine Restaurant. Sobrang convenient dahil di ka lang makakapunta upang mamili ng Pinoy products, pwede ka rin kumain at siguradong masarap ang pagkain! Napuntahan narin namin ito at bagay na bagay na kainan ng mga magkakapamilya!
iClick lang ang link na ito para sa artikulo tungkol sa restaurant:
https://jn8.jp/ph/topics_list/8794/
HOW TO VISIT MANG COLAS X KATUTUBO PHILIPPINE STORE
Ang Mang Colas x Katutubo Philippine Store sa Iwakura City ay accessible at madaling mapuntahan. Mula Iwakura Station ay 5 minuto lang ang layo kung pupunta ng naka kotse, at 14 minutos ang layo kung lalakarin.
Katabi ito ng Nafuco Fujiya Supermarket. Maluwag ang complex at maraming parkingan kaya’t makakasigurado ka na may mapupwestuhan ang iyong sasakyan.
MANG COLAS X KATUTUBO PHILIPPINE STORE ADDRESS
MANG COLAS x KATUTUBO PHILIPPINE STORE Iwakura City, Aichi
MON ~ SAT 11:00 ~ 20:00 | SUNDAY 11:00 – 19:00
State of Emergency Schedule: 12:00~20:00
CLOSED EVERY WEDNESDAYS
TEL: 0587-22-8262
〒482-0001 Aichi Prefecture, Iwakura City, Higashi Shin Machi, Kamano Kuchi Iwakura Danchi 1-163-6
Mang Colas x Katutubo Philippine Store Facebook Page: LINK
ARTICLE RECOMMENDATION
● Katutubo Philippine Restaurant
● Listahan ng mga Pinoy restaurants at stores sa Nagoya City
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.