Philippine Restaurant in Kita Nagoya (Kaibigan)
Ang Kaibigan sa may Kita Ward, Nagoya City ay nagsimula pa noong 1996. Ito ay malapit sa Tokushige Nagoya Geidai station at talaga namang dinadayo ng mga Pinoy upang mamili ng mga Pinoy products. Hindi lang supermarket ang lugar, kundi marami rin silang siniserve na pagkain dahil restaurant din ang lugar. Tara at bisitahin natin ang kilalang Philippine store sa Kita Ward Nagoya!
GROCERY SECTION
Maluwag ang kanilang grocery section at marami rin silang available na produktong Pinoy. Mayrong mga kasangkapan sa pagluluto, mga tsitsiryang pinoy, maging mga iba’t ibang frozen products ay meron din! Talagang mag-eenjoy ka sa pagpunta dito at mapapabili ka!
Available din sa kanila ang mga sikat na beauty products galing Pinas. Meron ding mga sabon, shampoos, conditioners, lotions, at iba pa! Maging mga branded bags, at accessories ay meron din sila!
Meron din silang on-going promo na kung saan, kung i-lilike mo ang kanilang social media accounts o i-follow ito, magkakaron ka ng discount sa pagbili mo ng Tasco Coconut juice!!!
Bisitahin lang ang kanilang social media accounts para sa iba pang mga promos and events.
RESTAURANT AREA
Nasubukan kong kumain nang pumunta ako sa lugar upang mamili. Talaga namang masarap talaga ang kanilang mga handa lalo na ang Lechon Paksiw na inorder ko. Sobrang sulit at mapapa-extra rice ka talaga. Siguradong masarap rin ang iba pa nilang mga potahe. Maluwag ang kanilang kainan at sumusunod sila sa safety protocols para makaiwas sa mga ano mang pagkalat ng virus.
FOOD TAKE-OUT SERVICE
Tumatanggap din sila ng take-out sa kanilang mga pagkain. Meron din silang iba’t ibang pagkain na ready na for take-out o kung wala naman naka-ready for take-out ay pwede mo naman orderin at antayin nalang ma-takeout kung gusto mo.
TRANSLATION SERVICES
Meron din silang Translation services gaya ng pagsalin ng iyong Birth Certificate sa Japanese. Pwede rin ang Marriage Contract, at iba pang dokumento na kakailanganin isalin sa salintang Hapon. Maaring kumonsulta sa kanilang social media accounts o diretso mismo sa kanilang staff tungkol dito.
KAIBIGAN LOCATION / HOW TO VISIT
Ang Kaibigan store ay malapit sa Tokushige Nagoya Geidai Station. Mahigit 6 minuto lang ang layo simula sa station kung lalakarin kaya talaga namang madaling puntahan.
KAIBIGAN ADDRESS
KAIBIGAN SARI SARI STORE KITA WARD
Araw-araw 11AM – 11PM
TEL: 0568-25-7893
〒481-0038 Aichi Prefecture, Nagoya City, Kita Ward, Tokushige, Ikuta-1-1
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.