Tambayan Philippine Restaurant sa Kani City, masarap at very affordable Philippine Restaurant!
Ang Tambayan restaurant sa Kani City ay nagsimula noong August 7, 2021. Patuloy itong nakikilala di lang sa mga taga Kani, kundi pati sa kalapit syudad nito.
Napakabait ng owner at masasarap ang kanilang mga hinahandang pagkain! Halika at tignan natin ang kanilang restaurant!
TAMBAYAN RESTAURANT
Masasarap at sulit ang mga pagkain dito sa Tambayan. Mura na, magaganda pa ng plating ng mga pagkain. Paiba-iba ang hinahanda nila kada araw kaya’t para ito talagang isang karinderiya. Okey na okey kumain dito lalo na kung namimiss mo na ang pagkain sa isang Pinoy karinderiya.
Nakakamiss kumain ng masasarap na Pinoy foods at di ka magsisisi na kumain dito sa Tambayan! Itadakimasu!
TAMBAYAN KANI TABEHOUDAI
Mayroong Tabehoudai o eat-all-you-can dito sa Tambayan! Karaniwan silang nagkakaroon ng tabehoudai tuwing Sabado, at kung minsan ay Linggo. Ang karaniwang tabehoudai nila ay nasa 1,000 yen kada isang tao at sulit na sulit talaga ang pagkain dito. Mayron pang kasamang drinks at dessert!
Nirerekomenda na tignan ang kanilang facebook page upang makakuha ng update sa kanilang mga tabehoudai at lutong ulam. Dahil sa pandemya, kinakailangan na magpareserba sa oras ng tabehoudai upang maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao.
READY TO TAKE-OUT MEALS
Meron din silang ready-to-take-out meals para sa mga gustong magtake-out ng kanilang mga pagkain. Nakalagay sa magagandang lalagyan ang mga pagkain at sobrang presentable ang bawat orders nila.
DELIVERY SERVICES
Tumatanggap din ang Tambayan sa Kani City ng mga deliveries. Kung lalagpas sa 2,000 yen ang order at within Kani City at Minokamo City ka ay libre na ang delivery, at kung lalagpas ng 3,000 yen ang order at taga Tajimi City ka ay libre narin ang delivery fee~!
TAMBAYAN RESTAURANT AMBIENCE
Maganda at malinis ang looban ng restaurant. Nasa 15 katao ang pwedeng mag-dine-in dito, at kung mga bata naman ang bisita ay maaaring 18 na mga bata ang pwede. Mayron din silang mahigit 6 na space para sa parking ng mga sasakyan kaya’t makakasigurado kang may mapaparkingan ka.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT TAMBAYAN KANI
Ang Tambayan sa Kani City ay malapit lang sa mismo sa Kani City Hall kaya’t napakadali nitong mapuntahan. Mula Kani Station o Shin Kani Station ay nasa mahigit 6-8 minutes na paglalakad.
Malapit ito sa Kani City Hall pagkababa ng tulay kung galing sa may bandang Daiso Kani branch.
TAMBAYAN RESTAURANT ADDRESS
TAMBAYAN RESTAURANT Kani City, Gifu
MON ~ SAT: 12:00 ~ 24:00
State of Emergency Schedule: 16:00~20:00
CLOSED EVERY SUNDAYS
TEL: 080-4843-9253
〒509-0214 Gifu Prefecture, Kani City, Hiromi 2-30
Tambayan Kani City Restaurant Facebook Page: LINK
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.