Ano ang pagkakaiba ng mga AirPod generations at ano ang Pros & Cons ng bawat isa | AirPods Pro for ¥27,000 from Rakuten
Matatandaan na inilabas ng Apple ang kanilang panibagong modelo ng wireless earbuds na tinatawag nilang “AirPods (3rd Generation)” noong Oktubre 2021. Nagsimula itong maging available worldwide noong katapusan ng Oktubre at maraming tao ang tumangkilik dito.
Ano nga ba ang pinagkaiba ng tatlong generation nito? Alamin natin at tignan ang kailang pagkakaiba-iba.
AirPods | AirPods Pro | AirPods 3rd Gen. | |
PRICE | ¥16,800 | ¥30,580 | ¥23,800 |
DYNAMIC HEAD TRACKING | – | O | O |
ACTIVE NOISE CANCELLATION | – | O | – |
WATER RESISTANT | – | O | O |
CHARGING | Lightning Cable | MagSafe, Wireless, Lightning Cable | MagSafe, Wireless, Lightning Cable |
BATTERY LIFE | 5hrs | 4.5hrs | 6hrs |
Model Comparison
AirPods
Ito ang unang disenyo na labas ng Apple na tinangkilik ng marami nang ilabas noong Disyembre 2016. Meron itong halos 5 oras na battery life at maaaring gamitin ang lightning cable sa pag-charge.
AirPods Pro
Ang AirPods Pro ang ikalawang disenyo na ni-release ng Apple noong Oktubre 2019. Ito ang unang AirPods na may Noise Cancellation na kung saan may kakayahan itong pahinain ang mga naririnig sa labas ng tenga. Water Resistant ito at may battery life na nasa 4.5 hours. Mas mahal kumpara sa tatlo ngunit sulit kung gusto mo ang Noise Cancel function.
AirPods 3rd Generation
Ito ang pinakabagong inilabas ng Apple na disenyo ng AirPods series noong Oktubre 2021. Bagama’t wala itong Noise Cancellation, at mukha itong hybrid design ng dalawa pang generation, mas mura ito kumpara sa AirPods Pro at mas mahaba ang battery life na umaabot sa 6 hours.
AirPods Sale on Rakuten
Tamang-tama ang hatid sa inyo ng Rakuten, ang AirPods Pro ay mabibili mo nalang sa halagang ¥27,650 imbis na sa original price na nasa ¥30,580!
iClick lamang ang link o at litrato upang mapunta sa shopping site ng Rakuten. Nirerekomenda ko na magrehistro kayo sa Rakuten upang magkaron din kayo ng Rakuten Points sa inyong mga bilihin at magamit nyo ang points sa ibang bagay.
Click now to purchase Air Pods Pro ! |
Para sa mga interesado bumili ng AirPods 3rd Generation:
Click the link to redirect to AirPods 3rd generation |
Para sa mga interesado bumili ng AirPods
Click the link to redirect to AirPods |
Gagawa kami ng iba pang mga artikulo tungkol sa Rakuten at kung paano kayo mas makakatipid sa inyong online shopping!
NOTE: Ang discount na ito ay posibleng available lamang sa mga residente ng Japan. Paumanhin po sa lahat ng hindi makaka-avail.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.