Toyohashi-shi Supermarket (Supermarket Bom Brasil)
Ang Supermarket Bom Brasil ay isa sa mga kilalang Brazilian store sa Toyohashi City, Aichi Prefecture! May iba’t ibang klase ng produkto ang tindahang ito, pero ang pangunahing produkto nila ay mula sa Brazil!
BRAZILIAN PRODUCTS
Halos lahat ng hinahanap mo ay nandito na! Hindi kailangan pang humanap ng ibang tindahan upang mabili ang gustong produkto. Mayron silang masasarap na mga Brazil products gaya ng mga biskwit at mga delata na talaga namang magugustuhan rin ng mga Pinoy!
MEAT PRODUCTS
Ang lalaki ng mga meat products talaga nila! Sa isang sausage pa lang, mukhang mabubusog ka na! Itsura palang nakakatakam talaga! Talagang sulit ang pamimili dito!
BAKERY
Bukod sa ibang mga pagkain at pang araw-araw na produkto na binebenta nila ay mayroon silang maliit na panaderya! Ang bango ng bagong luto nilang tinapay ang sasalubong sa iyo.
Katabi lamang ng bread corner ang kanilang kusina, kaya ang mga nalutong tinapay ay kaagad na nailalagay sa tray upang ibenta ng mainit init pa. Para sa mga customer na gustong sabayan ng mainit na kape.
DINE-IN SPACE
May space din sila para sa mga gustong mag dine-in! Masasarap at talaga namang napakadaming karne ng mga pagkain ng mga Brazil! Recommended talaga na subukan nyo kumain dito!
Pwede rin i-take-out ang mga sikat na pagkain sa Brazil gaya ng Pastel, Sandwich, Hamburgers, atbp.
※Ang Pastel ay isang pagkain ng Brazil na gawa sa harina na hinati sa maninipis na hiwa. May mga laman ito sa loob, pwedeng karne ng baka, baboy o manok at ito ay pwedeng boiled, fried o naka-bake sa oven.
Pag mayroong order, agad itong lulutuin at ise-serve ng mainit-init pa!
※Ito ay ang kanilang beef sirloin steak hamburger
May iba’t ibang klase din ng produkto ng Pilipinas, Peru, Vietnam etc.
Sobrang affordable ng kanilang produkto!
Kung kayo ay mamimili, maaari nyo itong isama sa listahan ng pupuntahan nyo upang masubukan ang kanilang produkto.
STORE LOCATION
SUPERMARKET BOM BRASIL (スーパーマーケット ボン ブラジル)
Araw-araw 9 AM – 9 PM (No Holidays)
TEL: 0532-61-1115
〒440-0832 Aichi Prefecture, Toyohashi City, Nakaiwata 5 Chome-5-12
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.