(PH) Detalye tungkol sa Japan’s Covid-19 ¥100,000 na ayuda mula sa gobyerno; Paano mag-apply?
(PH)
April 21, 2020
Ang gobyerno ng Japan ay magsasagawa ng isang beses na pagtulong sa aspetong pinansyal sa mga residente ng Japan dahil sa epekto ng coronavirus na may halagang ¥ 100,000 ($ 930) na ibibigay ng cash upang mabawasan ang pagbagsak ng ekonomiya mula sa pagkalat ng coronavirus sa bansa.
Sa ibaba ay makikita ang mga sagot sa mga FAQ tungkol sa katanungan ng nakararami, lalo na nga mga dayuhan na naninirahan sa bansa. Katulad na lamang ng, kasama ba sila sa makakatanggap, kung paano mag-apply, kailan matatanggap at iba pa.
Q: Kasama ba sa mga makakatanggap ng ayuda(subsidy) ang residenteng dayuhan (foreign) sa Japan?
A: OO. Isa sa mga batayan upang makatanggap ng subsidy mula sa gobyerno ay batay sa Basic Resident Register, na nangangahulugang ang lahat ng mga residente ng Japan ay karapat-dapat na makatanggap nito, kabilang ang mga residenteng dayuhan hangga’t mayroon kang “Residence Card”. Walang itinakdang edad o klase ng estado ng buhay upang makatanggap ng “¥ 100,000 bawat tao”. Lahat ay makakatanggap.
Q. Paano ko matatanggap ang subsidy?
A: Mag-apply para sa ayuda sa pamamagitan ng pagfill-up ng application form na ipapadala sa iyo ng iyong lokal na tanggapan ng munisipyo (lungsod, bayan, o nayon). Ang application form ay ipapadala sa pamamagitan ng postal mail na nakapangalan sa head ng bawat pamilya (setainushi). Kung ikaw lamang mag-isa, malinaw na ikaw ang householder.
Upang maiwasan ang pandaraya, ang pangalan ng “head ng householder” ay una nang naka-print sa application form. Kung nais mong matanggap ang subsidy, punan ang kinakailangang impormasyon, kasama ang numero ng bank account kung saan nais mong madeposito ang subsidy.
Upang mabawasan ang pakikipag-ugnay sa tao, bilang panuntunan, hindi mo direktang makukuha ang subsidy mula sa iyong lokal na lungsod. Gayunpaman, para sa mga taong walang bank account, isinasaalang-alang ng gobyerno na payagan silang matanggap ng direkta ang subsidy mula sa kanilang lokal na pamahalaan.
Kung mayroon kang My Number Card, ay maaaring awtomatikong mai-verify ang iyong pagkakakilanlan, makakapunta ka sa isang website kung saan maaari kang mag-apply para sa subsidy online.
Q. Kailan ko matatanggap ang subsidy?
A: Ang Deputy Prime Minister / Minister of Finance – -Sinabi ni Aso sa press conference na ginanap noong April 17 na nais niyang pangunahan na at simulan na ang pagpapadala ng cash sa Mayo. Gayunpaman, dahil ang ¥100,000 na subsidy sa mga residente ay last minute na desisyon na iba sa orihinal na ¥300,000 na subsidy na na-aprubahan na para sa mga pamilya na labis na naapektuhan ang income dahil sa coronavirus, mas matagal ang pag-apruba ng suplemento na badyet upang matugunan ang gastos. Dahil dito, hindi malinaw kung kakayanin ng gobyerno na maipamahagi ito sa Mayo at kung gaano kahusay ang mga lokal na pamahalaan na maipamahagi ito sa kanilang nasasakupan.
Q. Paano naman ang tungkol sa mga sambahayan na orihinal na kwalipikado para sa ¥300,000 na subsidy?
A: Sa ilang mga kaso, ang ilang mga sambahayan ay tatanggap ng mas mababa kaysa sa naging orihinal na plano, na kung saan magbibigay ng ¥300,000 sa mga kabahayan/pamilya tulad ng may mababa/nabawasan ang income, kung ito ay isang mag-isang namumuhay, may-asawa ngunit walang anak, o single-parent anak. Sa bawat “sambahayan” na kwalipikado alin man sa mga ito ay makakatanggap ng ¥300,000, ngunit sa ilalim ng bagong plano, ang subsidy ay ¥ 100,000 bawat residente. Nangangahulugan ito, halimbawa, na ang isang tao na nabawasan ang income, ay makakatanggap lamang ng ¥100,000, hindi ¥300,000 tulad ng orihinal na plano.
Halimbawa, ang sambahayan na nabawasan ang income na may dalawang magulang at isang anak, ay tatanggap pa rin ng ¥ 300,000 (¥ 100,000 bawat tao), kaya hindi magbabago ang halaga ng cash subsidy.
Q. Babawasan pa ba ng buwis ang matatanggap na cash subsidy?
A: Hindi, ito ay exempted sa buwis.
Q. Ano ang layunin ng cash subsidy?
A: Sinabi ng gobyerno na ang layunin ng cash subsidy ay upang makatulong sa pagsuporta sa kabuhayan ng mga tao. Hindi ito partikular na naka-target upang matulungan na ang muling buhayin ang ekonomiya o upang mapalakas ang paggasta. Dahil ang pagpapahayag ng state-of-emergency ay pinalawak sa buong bansa noong April 16, ang naging epekto nang ekonomiya sa buhay ng bawat isa ay mas malawak at malalim kaysa sa orihinal na inaasahan.
Q. Paano sasagutin ng pamahalaan ang gagamitin na pera para sa subsidy?
A: Maglalabas ang Japan ng deficit-financing bonds upang matugunan ang humigit-kumulang na 12.6 trilyon yen na kakailanganin upang maibigay ang ¥100,000 bayad sa bawat isa sa halos 126 milyong residente ng Japan. Orihinal na pinlano ng gobyerno na mag-isyu ng mga bonds na nagkakahalaga ng 8.6 trilyon yen upang matugunan ang ¥300,000 na bayad sa mga kabahayan na may nabawasan ang income (para sa isang kabuuang 4 trilyon yen). Ang bagong plano ay mangangailangan ng karagdagang 8.6 trilyon yen na pondo.
Source: Nikkei newspaper
JN8 -JAPANnavi8-
Information site supporting foreigners living in Japan.