Oral care app, planong buuin ng NTT Docomo at Tohoku University
Inanunsyo ng Tohoku University at NTT Docomo na sila ay magtutulungan upang bumuo ng “artificial intelligence” technology na kung saan kaya nitong makakita ng sakit sa gilagid sa pamamagitan ng pag-aaral sa larawan na kuha gamit ang smartphones.
Planong simulan ang pag-aaral na ito ngayong Abril 2019, na naglalayong magamit sa Abril 2022.
Ang AI software ay kayang sumuri ng sakit sa bibig sa pamamagitan ng pag-analyze nito sa lawarang kuha mula sa smartphones. Hindi lamang sakit sa gilagid kundi pati na rin kanser sa
bibig, jaw arthritis at iba pa.
Kung sakaling magtagumpay ang kanilang plano, ito rin ay ipagagamit nila sa publiko upang masuri nila ang kanilang sarili at maagapan kung mayroon man sakit na dapat bigyan kaagad ng lunas. Iba pa ang app na planong ipagamit sa mga doctor upang magamit sa pag-detect ng kanser sa bibig.
“Dahil ang mga rate ng nag-papasuri ng dental-care ay mababa, gusto naming bumuo ng teknolohiya upang ang mga gumagamit ng app ay madaling masuri kung mayroon silang sakit sa gilagid,” sinabi Tohoku University Prof. Keiichi Sasaki Huwebes, Pebrero 21, sa isang press conference sa Tokyo.
Source: The Japan News
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.