“Death option”, dapat bang imungkahi sa pasyente na wala namang terminal illness?
In this Nov. 30, 2017 file photo, a patient is seen receiving a dialysis treatment in Nagasaki. (Mainichi/Eriko Hori) | ©The Mainichi
“Death option”, dapat bang imungkahi sa pasyente na wala namang terminal illness?
Isa ito sa mga mainit na usapin ngayon. Ang pagpapahinto o pagtigil sa nagda-dialysis na pasyente ay nangangahulugan narin na pawang pagbibigay ng “taning” o death sentence. Sapagkat ang dialysis machine o minsan tinatawag na “artificial kidneys” ay tumutulong upang linisin ang dumi na nagiging lason sa dugo ng isang pasyenteng hirap umihi dahil hindi na maayos ang kondisyon ng kanyang bato o kidney.
Ang sakit sa bato ay isang seryosong sakit at nakamamatay kapag hindi naagapan. Ngunit maaaring madugtungan naman ng ilan pang dekada ang buhay sa pamamagitan ng dialysis. Kapag itinigil ang dialysis ay maaaring kumalat ang lason sa katawan. Katulad na lamang ng 44 taong gulang na pasyente na namatay nooong nakaraang Agosto 2018 sa Fussa Hospital, Fussa, Tokyo, ilang linggo lamang matapos ang dialysis. Ayon sa ospital, may dalawa pang pasyente na may katulad na kaso—nasa 30 at 55 taong gulang.
Nakapagtataka kung bakit ninais ng pasyente na piliin ang “death option” sa konteksto ng medical choices. Ang mga propesyonal sa medical institution ay dapat lamang ng magbigay lunas sa mga may sakit at tulungang pahabain pa ang buhay nito. Kung kaya naman ikinabigla ng lahat ang pagpili ng pasyente sa “death option” kaysa sa “treatment of illness”. Ngunit napag-alaman na dahil sa hirap sa dialysis, bilang paraan ng paggamot, ang nagtulak sa doktor ng pasyente upang ibigay ang option para itigil ang dialysis kahit alam nito na kamatayan ang kapalit nito.
Ang isang napakahalagang punto sa kasong ito ay ang memorandum na isinulat ng babae na kumukumpirma na naintindihan niya ang kanyang pinili, at kaugnay ng dokumentong ito sa kanyang kamatayan. Ang mga pasyente ay may karapatang magdesisyon ng kanilang treatment choices, kasama din ng informed consent at karapatan sa pagpapasya sa sarili o self-determination. Gayunpaman, ang self-determination ba ay karugtong ng right to die? Wala pang malinaw na legal na sagot tungkol dito.
Ang pasyenteng namatay sa Fussa Hospital ang unang kaso ng isang doktor na nagbigay ng option sa isang pasyente na itigil ang dialysis kung saan maaaring maging sanhi ito ng pagkamatay ng pasyente kahit na wala pa naman sa sitwasyon na nalalapit na itong mawalan ng buhay.
Ang ginawa ba ng doktor na ito ay unethical at hindi katanggap-tanggap? O masasabi ba natin na tama lang na hayaan ang pasyente na itigil na ang dialysis kung nakikita natin na nahihirapan na ito?
Source: The Mainichi
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.