Bago bumuo ng baby, pag-isipang mabuti. Handa ka na ba?
Taong 2018 ang may pinaka-mababang tala ng ng birth rate dito sa Japan. Ilan sa mga dahilan ng mababang birth rate sa Japan ay ang mahabang oras na trabaho, mahirap na pag-balanse ng personal na buhay at trabaho, at magastos na pag-papalaki sa bata.
© Litle Gaijin in the Big City
Handa ka na bang magka-baby? Makakatulong ito para masagot mo ang tanong na yan matapos basahin ang anim na bagay na ito tungkol sa pagkakaroon ng baby.
1. Ang pag-gamit ng pain reliever at anesthesia sa Japan ay hindi normal.
Majority sa ospital ng Japan ay hindi nago-offer ng pain reliever habang nagla-labor ang isang pasyente. Tinuturing nilang isang karangalan o pride ang pag-“gaman” o hindi pag-gamit nito.
Ngunit nito lang nakaraang taon ay mayroon na silang tinatawag na mutsu bunben o “painless delivery” gamit ang anesthesia na itinuturok sa spine ngunit ang mga bihasang ospital lamang ang gumagawa nito. Hindi rin biro ang bayad nito dahil tinatayang aabot ito ng 100,000 yen (aboutPhp50,000) depende pa sa ospital. Maswerte na kung mangangak ka mula Lunes hanggang Biyernes, mula 9a.m. hanggang 5p.m. dahil majority ng ospital ay hindi nago-offer ng anesthesia kapag hindi na sa oras iyon, dahil kakaunti lamang ang bihasa sa pag-gawa nito.
2. Ang lalaki sa likod ng kurtina.
Karamihan sa OBGYNE sa Japan ay mga lalaki dahil na rin sa patriarchal culture nila. Ngunit mahalaga sa kanila ang privacy ng pasyente kaya naman sa likod ng kurtina, naroon ang doktor na ipinapaliwanag ang bawat procedure na gagawin sa pasyente. Kaya naman minsan ay inaabot ng matagal na oras ang procedure ngunit garantisado naman ang safe delivery. Kilala ang Japan sa kanilang pagiging “teinei” o maingat sa trabaho. Hangga’t maaari ay ibibigay nila ang serbisyo para ma-satisfy ang customer.
3. Mahigpit ang doktor pagdating sa weight gain. Pero hindi ipinagbabawal ang kumain ng kahit anong uri ng sushi!
Hindi katulad sa western countries, maraming ipinagbabawal na pagkain lalo na ang raw or half-cooked na pagkain. Ngunit dito sa Japan ay hindi nila ipagbabawal sayo ang sushi pero dapat ay kontrolado mo ang pagkain nito lalo na sa pagkaing mataas sa mercury level, payo pa nga nila na hangga’t maaari ay kumain ng iba’t ibang klase ng pagkain para sa nutrisyon ng bata. Ngunit sila ay strikto pagdating sa timbang. Limang kilo lamang ang kanilang ideal weight gain. Pinaniniwalaan na mahigpit sila dito upang hindi lumaki ng husto ang baby at di na kailangan ma-ceasarian.
4. Hindi mo dapat kwestyonin ang doktor.
Hindi katulad ng ibang bansa, hindi madali para magtanong o kwestyonin ang “sensei” o doktor sa Japan dahil sila ang pinaka-respetado higit sa lahat. May pagkakataon na hindi masyadong ipinapaliwanag ng detalyado ang lahat tungkol sa pagbubuntis. Malaki ang tiwala ng mga japanese expectant mothers sa kanilang doktor kaya naman kung ano ang sasabihin ng kanilang doktor, yun lang ang kanilang susundin.
Ngunit hindi dapat mag-alala dahil hindi maikakaila ang galing ng kanilang doktor dahil sa buong mundo, Japan ang may lowest rate ng infant at maternal mortality rate o pagkamatay.
5. Tradisyon.
Sa ospital ay bibigyan ka nila ng pamphlet, isa sa mga laman ng pamphlet ay ang chart kung kailan ang Inu No Hi o Araw ng mga Aso.
Ano ang kinalaman ng aso sa pagbubuntis? Ang aso pag nanganak ay madali lang at hindi komplikado kumpara sa tao kaya naman sa ikalimang buwan ng pagbubuntis ay pinapayuhan na magpunta sa shrine at humiling para sa ligtas na panganganak sa itinakdang araw ng mga aso.
Isa pa sa tradisyon nila ang pagtatago ng umbilical cord. May policy ang ang ospital na kukuha sila ng maliit na parte sa umbilical cord ng bata pagkatapos ipanganak, ilalagay sa special box at ibibigay ito sa magulang. Nangangahulugan ito nang magandang samahan ng nanay at anak.
Dapat din ay panatilihing warm ang tiyan ng bagong panganak sa pamamagitan ng paggamit ng belly band at ganun din sa paa, kailangan gumamit ng medyas na mahaba sa lahat ng oras.
At isa sa pinaka-mahalaga sa tradisyon nila ay ang “satogaeri shussan” o ang pagbalik sa bahay ng mga magulang sa loob ng isang buwan pagkatapos manganak upang may mag-alaga sa kanila, gumawa ng gawaing bahay para mas magkaroon ng quality bonding time ang baby at nanay.
6. Mahal na gastusin sa ospital.
Dahil ang pagbubuntis ay hindi maituturing na sakit, hindi magagamit ang national health service nila. Kaya naman mahal ang magiging gastusin sa ospital, PERO may tulong na matatanggap mula sa gobyerno, kilala sa tawag na Childbirth and Childcare Lump Sum Grant. Ang tulong na matatanggap ay may halagang 420,000 yen o Php.200,000 kaya konti nalang ang idadagdag. Nagbibigay din ng 15,000 yen (about Php7,500) ang gobyerno ng allowance sa bagong silang hanggang 3-taon at magiging 10,000 yen (aboutPhp.5,000) naman hanggang sa makarating ng third year junior high school ang bata.
Pero kung magre-research ng mabuti, may ospital din naman na mas mura at may magandang services katulad ng massage, may mga freebies, full course meals magandang room at iba pang services depende sa ospital.
Mayroong english-speaking hospital sa Tokyo ngunit mas malaking budget ang kailangang ihanda.
Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.