Ano ang Employment Insurance Certificate o 雇用保険被保険者証?
Ano nga ba ang 雇用保険被保険者証 (koyouhokenhihokenshashou) o Employment Insurance Certificate?
Sa madaling salita, “isa itong certificate na matatanggap mula sa kompanya kapag nag-apply ng health insurance sa trabaho.”
Pag mayroon ka nito, magagamit itong katunayan na ikaw nga ay naka-insured bilang isang empleyado.
Marami ang hindi nakakaalam nito dahil hindi empleyado ang nag-aayos ng papeles sa pag-apply nito kundi ang kompanya kinabibilangan.
Upang maiwasan ang pagkawala nito, karamihan sa mga kompanya ay ibinibigay lamang ang insurance certificate kapag ang isang empleyado ay aalis na sa trabaho.
Parte nang proseso sa pagpasok sa bagong kompanya, hihingin nila ang kopya ng certificate upang magtuloy-tuloy ang iyong insurance. Ang pinakamahalagang bahagi nito ay ang numero na nakasulat dito. Dahil mula pa nang magsimula ang isang empleyado na magtrabaho ay mayroon na itong insurance number na kahit magpalipat-lipat ng kompanya ay tuloy-tuloy parin ang insurance.
Hindi lahat ng nagta-trabaho sa isang kompanya ay maaaring magkaroon ng katulad ng nasabing insurance. Mayroon silang basehan para dito.
Dalawang basehan upang makapag-apply ng employee insurance card:
● Ang oras ng trabaho ay dapat hindi bababa sa 20 oras sa loob ng isang lingo.
-Nangangahulugan ito na hindi pwede sa employment insurance ang part-time
● Inaasahan na magtrabaho na hihigit sa 31 araw
-Hindi maaari ang panandaliang trabaho lamang. Inaasahan na magta-trabaho sa isang kompanya ng higit sa isang buwan o pang-matagalan.
Sa madaling salita, kung matutugunan mo ang dalawang kondisyon na ito, dapat kang magkaroon ng employee insurance card. Kaya dapat ay magtanong tayo tungkol dito bago pumasok sa isang kompanya.
Nawawalan ba ng bisa ang「雇用保険被保険者証」(koyouhokenhihokenshashou)?
Ang numero ng insurance card ay kailangan sa bawat panahon na magpapalit ka ng trabaho.
Gayunpaman, kung pitong taon o higit na ang lumipas mula nang magretiro (kung hindi nagtatrabaho sa ilalim ng employment insurance nang higit sa pitong taon), ang numero ay tatanggalin mula sa data ng Hello Work. Kaya’t kung planong magtrabaho ulit ay kailangan mag-apply para sa bagong insurance card.
Kung sakaling mabura ang numero, kailangan magpagawa muli ng bago at ang bagong kompanyang papasukan ang mag-aasikaso nito.
Nawawala ang「雇用保険被保険者証?! Pwede bang magpagawa ulit?
May pagkakataon na dahil matagal ng nabakante sa trabaho at “hindi na alam kung saan nailagay” o kaya naman ay “nawala”. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit wala sa kanila ang mahalagang papeles na ito.
Ang 保険被保険者証 (koyouhokenhihokenshashou) ay isang mallit na bagay lamang na kapag hindi iningatan ay madaling mawala. Kung sakaling nawala ito, pumunta lamang sa Hello Work (ハローワーク) at magpagawa ulit nito. Ngunit kailangan na magdala ng driver’s license o anomang i.d. na magpapatunay na ikaw ang may-ari ng insurance, bagay na kung saan nakasulat ang pangalan at address ng dati mong kompanya, seal o inkan atbp.
Basta mag-apply lamang, makukuha rin ito sa susunod na araw. At paalala lamang na sarado ang kanilang opisina ng Sabado, Linggo, Holiday at New Year’s Holiday. Inirerekomenda rin na mas magandang komunsulta sa Hello Work kung anong oras maaaring magpa-gawa muli ng 保険被保険者証 at kung ano pa ang mga kailangan na dalhin.
Kung abala sa trabaho simula Lunes hanggang Biyernes ay maaari rin mag-apply sa pamamagitan ng electronic application o kaya naman ay sa post office. Maaaring mag-apply via electronic sa loob ng 24-oras gayundin sa electronic government window (e-Gov).
Ngunit kung mag-aaply via electronic application, dapat ay mayroon kang IC card type electronic certificate na galing sa certificate authority. Kailangan din na maghanda ng card reader upang mabasa ito. Medyo kakailanganin rin ng kauting oras at tyaga sa pag-aapply via electronic. Ang IC card type electronic certificate ay kailangan upang masigurong ang nag-apply ay ang tunay na may-ari ng papeles na kukuhanin.
Kung wala sa iyo ang 雇用被保険者証 (koyouhokenhihokenshashou), may posibilidad din na hindi ito ibinigay sa inyo ng dating pinapasukang kompanya. Maaari silang tawagan at magtanong tungkol dito.
Unawain natin kung ano ang 雇用被保険者証 (koyouhokenhihokenshashou) o Employment Insurance Certificate, upang mapabilis ang pag-aayos ng mga papeles sa susunod na kompanyang papasukan!
Ang 雇用被保険者証 o Employment Insurance Certificate ay “isang certificate na matatanggap mula sa kompanya kapag nag-apply ng health insurance sa trabaho”, na kinukuha mula sa kompanya kapag hihinto na trabaho. Kakailanganin ito sa susunod na kompanyang papasukan.
Kahit makuha ang 雇用被保険者証 pagkatapos huminto sa trabaho kung mawawala naman ito ay kailangan parin magpunta sa Hello Work upang magpagawa ng panibago o mag-apply via electronic.
Marami ang nakakalimot na kunin ito sa dating kompanya kung saan sila nagtrabaho. Ang pangunahing dahilan ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan ang kahalagahan nito o kaya hindi nila alam na mayroon palang 雇用被保険者証 o Employment Insurance Certificate. Mangyaring tumawag sa dating kompanya tungkol dito.
Kung mayroong problema o kaya naman ay hindi alam ang gagawin, sumangguni lamang sa Hello Work internet service. Nakalagay roon ang kapaki-pakinabang na mga impormasyon na kakailanganin natin upang masolusyonan ang mga problema na katulad nito.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.