ANO ANG CERTIFICATE OF ELIGIBILITY FOR EMPLOYMENT O 就労資格証明書 SA JAPAN (shuuroshikakushomeisho)?
Ang Certificate of Eligibility for Employment o 就労資格証明書 (shuuroshikakushoumeisho) ay isang certificate na galing sa Immigration bureau para sa mga dayuhan na nasa Japan na nagpalit ng trabaho. Ang layunin ng certificate na ito ay maging patunay na ang bagong trabaho ng isang dayuhan ay binibigyang permisyon ng Immigration at may kinalaman ang bagong trabaho sa visa na binigay sa kaniya.
Sa madaling salita, certificate ito na nagpapatunay na may permisyon ang isang dayuhan mula sa immigration na magtrabaho muli at pasok ang bagong trabaho sa criteria ng visa na meron siya. Sa ibang mga kaso, meron din naman mga dayuhan na nakakakuha ng certificate na tumutungkol naman sa permisyon na iba ang gagawing aktibidad sa visa na nakasaad para sa kaniya.
sample ng isang Certificate of Eligibility for Employment
KAILAN NGA BA KAILANGAN ANG CERTIFICATE OF ELIGIBILITY FOR EMPLOYMENT?
※ Kapag ang isang foreigner ay lumipat ng isang kompanya
※ Kapag ang kompanya ay tumatanggap ng mga foreigners
Tandaan na kahit na valid pa ang visa mo at lumipat ka ng trabaho, ang alam parin ng immigration ay nasa iisa ka paring kompanya gamit ang visa na binigay sayo. Kaya’t kung magpapalit ka ng trabaho at lilipat ng kompanya, ay kakailanganin mong abisuhan ang immigration at humingi ng permiso kung wala bang magiging problema ang bago mong trabaho sa dati mong trabaho.
ADVANTAGE NG PAG-APPLY NG CERTIFICATE OF ELIGIBILITY FOR EMPLOYMENT
※ Makakasigurado kang makakapagtrabaho ka ng maayos sa bagong kompanya dahil may permisyon ka at certificate galing sa immigration.
※ Kung makakuha ka ng certificate of eligibility for employment, ay para narin itong renewal ng visa mo dahil tinanggap nila ang paglipat mo ng trabaho
Tandaan na hindi sapilitan ang pag-apply ng CERTIFICATE OF ELIGIBILITY FOR EMPLOYMENT, pero kung meron kang more than 6 months pa sa visa mo, nirerekomendang kumuha ng certificate na ito bago lumipat ng trabaho.
ANO ANG MGA KAILANGANG DOKUMENTO SA PAGKUHA NG CERTIFICATE OF ELIGIBILITY FOR EMPLOYMENT
Upang makapag-apply ng Certificate of Eligibility for Employment, kailangan ang mga dokumento sa baba:
- Application form ng Certificate of Eligibility for Employment
- Passport o Residence Card (Kung hindi makakapagpasa ng mga ito, kailangang magpadala ng sulat na nagpapaliwanag kung bakit)
- Certificate of Withholding tax (Makukuha mo ito sa dati mong kompanya sa pagtatapos ng trabaho)
- Certificate of resignation (Makukuha mo ito sa dati mong kompanya sa pagtatapos ng trabaho)
- Mga dokumentong nagpapakita ng detalye ng bagong kompanya
- Certified copy of corporate registration (within 3 months of issuance)
- Kopya ng pinakabagong financial statement (kung bago ang kompanya, kailangan magpresenta ng business plan para sa susunod na taon)
- Company brochures (nagpapakita ng mga business at mga serbisyo ng kompanya)
- Mga dokumentong nagpapakita o nagbibigay impormasyon sa bagong trabaho na lilipatan
- A copy of the employment contract
- Copy of resignation letter and salary resignation letter
- Copy of employment acceptance letter
- Iba pang dokumento na may kinalaman sa bagong trabaho
- Sulat na nagsasaad ng paglipat sa bagong trabaho
Tandaan na hindi na kailangan ang ibang mga dokumento kung nasa pampubliko naman ang serbisyon ng trabaho at alam na kung ano ang meron sa kompanya.
MGA DOKUMENTO NA HINDI NAMAN REQUIRED, NGUNIT MAGANDANG MAIDAGDAG
Sulat na nagsasaad ng pagkuha sayo ng kompanya bilang isang empleyado (Maaring ipaliwanag ang naging pangyayari na naging daan sayo upang matanggap sa trabaho)
MGA TINITIGNAN SA APLIKASYON
Upang makapag-apply sa Certificate of Eligibility for Employment, kailangan na ang isang aplikante ay pasok sa isa sa mga criteria sa baba:
▶ Kung meron kang status of residence na papayagan kang makapagtrabaho sa field ng mga nakalista:
◆ humanities/international services
◆ technology
◆ corporate intra-company transfer
◆ technical skills
◆ investment/management
◆ legal/accounting services
◆ medical care
◆ research
◆ education
◆ entertainment
◆ teaching
◆ arts
◆ religion
◆ press
▶ Kung meron kang status of residence na hindi ka pinapayagan ng immigration na magtrabaho at pinapayagan ka lang na manatili sa Japan kagaya ng mga nakalista
◆ cultural activities
◆ short-term stay
◆ study abroad
◆ training
◆ family stay
▶ Kung meron kang status of residence na walang limitasyon sa pagtatrabaho gaya ng mga nakalista:
◆ permanent resident
◆ spouse of Japanese national
◆ long term resident
GAANO KATAGAL ANG PAG-AANTAY SA APLIKASYON
Magtatagal ang aplikasyon ng mahigit 3 linggo hanggang posibleng 2 buwan.
PARA SA IBA PANG MGA ARTIKULO:
● Ano ang Employment Insurance Certificate o 雇用保険被保険者証?
● Paano basahin ang Payslip sa Japan?Ano ang mga binabayarang Tax?
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.