PAPAANO BA MAG-APPLY NG MYNUMBER CARD ONLINE? ANO ANG MGA DAPAT GAWIN PARA MAKAKUHA NG MYNUMBER CARD?
Ang My Number o Kojin Bango ay isang 12-digit ID number na nakatalaga para sa mga residente ng Japan kabilang na ang mga dayuhan na naninirahan dito.
Sa kasalukuyan, posible na aplikasyon online upang makakuha ng My Number Card. Sundan lamang ang mga dapat gawin sa baba upang makapag-apply online.
1. MAGPUNTA SA CITY HALL UPANG MAGREHISTRO SA MYNUMBER COUNTER
Kung meron ka nang lumang My Number card na green na papel, pwede mo na itong ipapalit sa bagong My Number card. Pumunta lang sa inyong city hall at kumonsulta sa My Number counter.
Bibigyan kayo ng dalawang option sa puntong ito, pwedeng mag-apply diretso sa counter kung kumpleto ka ng mga kailangan gaya ng ID Picture at Residence card at kung kulang naman ay pwede ka rin mag-apply gamit ang Online application.
May matatanggap kayo na ganitong papel na pwedeng gamitin sa Online Application.
2. I-ACCESS ANG MY NUMBER ONLINE APPLICATION
I-Access ang My Number Online Application page sa link na ito: LINK
i-click lang ang Apply Online button upang makapag-apply.
3. I-CONFIRM ANG TERMS OF USE NG APLIKASYON
Step 1. Pagsang-ayon sa mga patakaran sa pag-apply ng My Number
Lagyan ng check ang dalawang green box sa page na nagsasaad na ikaw ay lagpas 15-taon gulang na, at inintindi mo ang Terms of Use at rules sa pag-apply ng my number.
4. I-REGISTER ANG EMAIL ADDRESS SA MY NUMBER APPLICATION
Step 2. E-mail address registration
i. Punuan ang impormasyon ng 申請書ID
Ang numero dito ay makikita sa papel na natanggap sa city hall matapos mag-apply ng diretso sa counter. Nasa pulang box ang Shinseisho ID 申請書ID na nakarehistro sa iyo.
ii. Punan ang メール連絡用氏名 (Pangalan ng may-ari ng Email)
iii. Punan ang メールアドレス (e-mail address)
Punan ang capcha key tapos pagkatapos ay pindutin ang blue button (確認)upang mapunta sa susunod na step.
5. KUMPIRMAHIN KUNG TAMA ANG IMPORMASYON
Step 2. E-mail address registration
Kumpirmahin ang mga nilagay na impormasyon at pindutin ang 登録 (Register) button pagkatapos.
6. I-ACTIVATE ANG REGISTRATION
Step 3. E-mail address activation
Isara ang page sa pagpindot sa grey button (閉じる) at pumunta sa sariling email upang kumpirmahin ang activation mail.
Buksan ang email at kumpirmahin kung pumasok na ang e-mail galing sa My Number Application. Kung dumating na ay buksan ito at pindutin ang blue-colored link na nakalagay sa email upang makumpirma ang rehistrasyon at makapunta sa susunod na hakbang.
7. MAG-UPLOAD NG PASSPORT SIZE ID PICTURE
Step 4. ID PICTURE REGISTRATION
Kailangan mag-upload ng ID picture na gagamitin sa iyong My Number Card. Maaring tignan ang English article sa link na ito: LINK upang makumpirma ang tamang size ng ID sa My Number.
※ Kung meron kang Japanese format Passport picture size ay sapat na iyon para magamit.
Pindutin ang orange-colored upload button (アプロード) upang ma-upload ang iyong picture at pindutin ang blue confirmation button (確認) upang mapunta sa susunod na hakbang.
8. KUMPIRMAHIN ANG LITRATONG INUPLOAD
Step 4. ID PICTURE REGISTRATION
Kumpirmahin ang inuupload na litrato kung naaayon sa tamang sample. i-Click ang tatlong green box sa baba kung:
i. Ang litrato na ginamit ay kinuha sa loob lamang ng nagdaang anim na buwan.
ii. Nakaharap at maayos ang pagkakakuha ng litrato.
iii. Sinunod mong mabuti ang mga kinakailangang sunduin sa pag-upload ng litrato.
Kung tama at maayos ang pagkaka-upload ay pindutin mo na ang blue registration button (登録) upang mapunta sa susunod na step.
9. APPLICATION INFORMATION REGISTRATION
Step 5. I-rehistro ang aplikasyon
Ilagay sa pulang box ang iyong kaarawan. Matapos nito ay i-check ang maliit na green box, at sunod ay ang blue-colored confirmation button (確認) upang mag-proceed sa next step.
10. APPLICATION INFORMATION CONFIRMATION
Step 5. I-rehistro ang aplikasyon
Dito sa punto na to ay kailangan mong kumpirmahin ang mga impormasyong nilagay mo. Tignan mabuti kung tama ang ID, ang E-mail name, E-mail address, at Birthday.
Matapos kumpirmahin ay pindutin ang blue-colored register button (登録) upang magpunta sa susunod na huling step.
11. APPLICATION REGISTRATION COMPLETE
Step 5. Pagtatapos ng aplikasyon
Sa puntong ito ay nakumpirma na ang iyong aplikasyon. Maaring magtagal ng ilang linggo ang pagproseso sa aplikasyon kaya’t kailangan antayin ito.
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.