Lalaki, arestado sa panununog ng isang dry cleaning laundry shop sa Chiba dahil ‘bad mood’ daw siya
12/12/2022
CHIBA - Inaresto ng Chiba Police ang isang 42-taon gulang na lalaki dahil sa panununog ng isang dry cleaning laundry shop.
Ayon sa mga pulis, nangyari ang sunog bandang alas-9 ng gabi noong Disyembre 9, ayon sa TV Asahi. Sarado na ang dry cleaning shop noong panahon na iyon at nakita ng isang dumadaang saksi ang apoy kaya't tumawag ito ng pulis. 12 na sasakyan ng bumbero ang dumating sa lugar upang tupukin ang apoy dahil nasunog na ng malubha ang dingding at first floor at papunta na ang apoy sa second floor na kung saan may naninirahan.
Natupok ang apoy makalipas ang tatlong oras.
Dahil sa pangyayari, ang suspek na kinilalang si Hidekazu Tomioka, ay sumuko sa mga pulis sa Chiba Station at sinabing siya ang nagsimula ng sunog.
Inamin ng suspek na bukod sa dry cleaning shop ay sinunog din niya ang isang basurahan sa isang parke, 1 kilometro ang layo mula sa shop.
Nagawa lang di umano niya ang krimen dahil 'bad mood' daw siya.
News Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.