Matandang babae, arestado sa pagpatay sa asawa sa Nara
12/13/2022
NARA - Inaresto ng Tenri Police sa Nara Prefecture ang isang 64-taon gulang na babae sa pagpatay sa 65-taon gulang na asawa sa loob ng kanilang bahay noong Disyembre 11.
Ayon sa mga pulis, ang suspek na si Satomi ay pinatay sa saksak ang kaniyang asawa na si Mitsuhiro gamit ang isang kutsilyo, bandang 6:40 ng umaga. Pagkatapos ng insidente ay tumawag ang suspek sa mga pulis at sinabing "Nasaksak ko ang aking asawa. Mukhang mamamatay siya. Pumunta kayo dito..."
Isinugod sa ospital ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.
Dagdag pa ng mga pulis na sinabi ni Satomi na hindi na maganda ang kanilang relasyon nitong mga nagdaang araw at napuno na siya kaya't nasaksak niya ito. Ngunit itinanggi niya na wala siyang balak patayin ang asawa.
News Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.