Mahigit 60% ng mga Hapon, hindi alam ang relaxed guidelines sa pagsuot ng facemask sa publiko
12/14/2022
Mahigit 60% ng mga residente ng Japan ang hindi alam ang pagluluwag ng gobyerno sa pag-gamit ng facemask sa publiko ayon sa survey na isinagawa.
Bagama't naanunsyo ang pagluwag sa pag-gamit ng facemask noon pang Mayo 2022, 18.4% ng survey result ay sinasabing wala silang alam sa anunsyong naganap, samantala 40% naman ang alam ito ngunit hindi detalyado, ayon sa data ng Laibo Inc.
Sa survey na isinagawa, 41.6% ang nagsasabing alam nila ang guidance maging ang detalye nito at 58.4% ang nagsasabing wala silang alam tungkol sa anunsyo.
Bagama't patuloy parin ang pag-gamit ng mga tao ng facemask, 72.7% ang pabor sa pag-tatanggal ng facemask sa publiko. Kung titignan pa ng mas detalyado, 33.9% ang pabor sa hindi na pag-gamit ng facemask, at 38.8% ang nagsasabing medyo pabor sila sa hindi na pag-gamit.
Ang survey ay isinagawa noong Oktubre 12 mula sa mahigit 1,000 working adult. 52.5% ang nagsasabing kulang ang anunsyo ng gobyerno na sinasabing optional nalang ang pag-gamit ng facemask maging sa mga indoor area.
News Source: leadership.ng
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.