Babae, arestado sa pagtali at pag-iwan sa 3-taon gulang na anak para makalabas upang mag-skii
12/14/2022
IBARAKI - Inaresto ng Mito Police sa Ibaraki Prefecture ang isang 22-taon gulang na babae dahil sa pagkulong at pag-tali sa sariling anak sa bahay upang makalabas at makapagskii.
Ayon sa mga pulis, ang suspek na kinilalang si Mio Minagawa, ay inaresto noong Lunes. Ayon sa imbestigasyon, tinali ni Mio ang kaniyang anak bandang alas-7 ng umaga noong Linggo para hindi ito makalabas ng bahay at makalabas ito upang mag-skii.
Narinig ng isang kapitbahay ang iyak ng bata noong Linggo ng gabi kaya't lumapit ito upang tignan ang nangyari at doon ay nakita niya ang bata na lumapit sa pintuan na tila may nakapulupot sa katawan.
Dali-daling tumawag ang kapitbahay sa mga pulis at sinabing maaaring biktima ng pang-aabuso ang bata.
Hindi di umano umuwi ang ina hanggang madaling araw na ng Linggo. Sinabi ng mga pulis na ang mag-ina lang ang naninirahan sa kanilang bahay at wala ng iba. Kaya't kinukuwestiyon siya ng mga pulis kung regular niyang inaabuso ang anak.
Sa ngayon ay kinuha ng lokal na gobyerno ang kostodiya sa bata.
News Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.