22-taon gulang na lalake, arestado sa pagpatay sa 18-taon gulang na girlfriend sa Yokohama
07/03/2023
KANAGAWA - Inaresto ng Yokohama Police sa Kanagawa Prefecture ang isang 22-taon gulang na lalaki sa kasong pagpatay sa 18-taon gulang na girlfriend noong nakaraang Huwebes, June 27.
Man, arrested over murder of ex-girlfriend in her apartment in Yokohama (TBS)
Ang suspek na kinilalang si Haruki Ito ay sinasabing pinatay sa saksak ang kasintahang kinilalang si Sana sa loob ng sasakyan sa isang parking lot sa labas ng apartment ng biktima bandang alas-10 ng umaga noong Huwebes. Nadiskubre ng ina ang hindi humihingang anak sa isang parking lot at dali-dali itong tumawag sa 110 upang humingi ng saklolo. Isinugod sa ospital ang biktima ngunit inanunsyo ang pagkamatay nito. Sinasabing nagtamo ng maraming saksak ang babae. Samantala, sumuko sa mga pulis ang suspek na si Haruki bandang 10:30 ng umaga. Dala-dala niya ang ginamit na kutsilyo sa pagpatay. Inamin ng suspek na nagkaroon sila ng pagtatalo matapos sabihin ni Sana na nais nitong makipaghiwalay sa kaniya. Hindi niya matanggap ang paghihiwalay kaya't inantay niyang bumaba mula sa apartment si Sana upang masagawa ang krimen. Sinasabing mula pa Oktubre 2021 ang relasyon ng dalawa, ngunit may mga pagkakataon na napagbubuhatan ng kamay ni Haruki ang babae lalo na tuwing nagseselos ito. Dagdag pa ng mga pulis na nagkaroon na ng apat na beses na naireport sila sa pulis dahil sa kanilang pagaaway. At sa dalawang pagkakataon na iyon ay humingi ng tulong si Sana sa mga pulis dahil sinusundan di umano siya ni Haruki. News Source: Japan TodayJN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.